Chapter II
"Katy, meet our boy group.. Knight Kisses..” sabay turo ni MF sa ngayong mga nakalingon na boys, dinala ko ni MF habang nag-pa-practice sila.
“Hi” hiyang bati ko sila. Grabe, they’re sweating a lot, pero mukha pa rin silang mabango at ehem, ang yummy ng peg haha, joke. Umandar na naman ang kabaklaan ko.
“Boys, meet Katy. For now, sya palang ang meron ako for our girl group" baling naman ni MF sa mga boys.
"Hi Katy! Nice name. Nice butt… hmm…” sabay ikot niya sa’kin na parang nanunuri… “pero not so nice fats. Ha ha ha..” sabay tawa pa nya ng malakas, NKKLK! The nerve!
“Just kidding! Btw, I'm Zero, Senior na ko sa school, taking up Business Management” then inabot niya yung kamay niya.
I ignored it. Anong akala niya, porket bago ko eh, di ko sya pagmamaasiman? Pero I ignored it the way na di halata. I waved my hand in the air and gave him a fake laugh. "Ha ha ha.. Zero, bagay, kasi walei ang joke mo.." echuserong to. Pati taba ko pinansin.
"Wag mong pansinin yang si Zero, patawa talaga yan eh. Well, I'm Jin.. Sa Marketing naman ako.. In case na wala kang makasama sa school, puntahan mo lang ako.. Let's get to know each other.." sabi naman ni Jin sabay kindat sakin. In fairness, my kind of guy. Eeh, kilig. Chos. J
"I'm Blaze. IT." aba, suplado ang peg ha. Ni hindi man lang tumagal yung tingin nya sakin.
"Hehe. Haba ah." che! So awkward.
"Yes, pero once na nakilala mo na yan, naku, baka ikaw pa manawa sa sobrang haba talaga ng sinasabi nyan.. Haha.. Loki, IT din, ikaw ba?" eto naman mukhang friendly at gentleman.
"Ah, sa IT din ako.. tignan mo nga naman.. Pero Senior na kayo right? Junior palang kasi ako eh.." sabi ko habang naka-smile kay Loki.
"Yes.. Tama ka jan Katy.. Reason why idedebut ko na sila soon kasi 1yr na silang nagttrain and graduating na sila.. They'll be more focused as soon as makagraduate na sila.." sabi ni MF na mukhang proud sa mga boys niya.
"1 year?! Huwaat? Ang tagal nun ah.." gulat na tanong ko kay MF.
"Para sayo siguro 2 years, para totally mawala fats mo ha ha ha.." sabat na naman ni Zero na tawa ng tawa sa walei nyang jokes. Che!
"Yabang nitong Zero na to ah.. Pag pumayat ako, who you ka sakin.. Hmppp!" sabi ko sa sabay irap.
"Haha, you’re so funny. Mukhang lalong kukulay ang araw natin ah haha.." sabi ni Jin, hay ang kyuuut talaga nya.
Paglingon ko, nakita ko naman si Blaze na pigil ang pagtawa.. Aba.. In fairness, mas gwapo pala sya kay Jin, lalo na pag tumatawa.. For sure, magiging hit sila.. Dahil sa isiping yun, napangiti naman din ako habang nakatingin kay Blaze.. Nagulat na lang ako bigla syang sumimangot. Aba, lokong to, di naman sya nginingitian ko, yung maisip na magiging maganda din career ko.. Woot..
"Pero MF, 1 year ba as in?" sabi ko with shocking face hehehe.
"Of course, you have to finish your studies first para naman makapagfocus ka pag debut, like them. And maganda kasi na nakatapos para na rin sa inyo, para maging proud kayo sa sarili niyo.."
May point tong si MF, buti na lang at ga-graduate ako at the age of 19.
Nalaman ko na ilang beses na pala kong nakikita ni MF sa mall tuwing magkasama kami ni Lia. And nag-research na din sya about me. Bukod dun, pati pala ang Knight Kisses, magkaka-age at halos di nagkakalayo ang birthday. Ang reason daw e para pag nagdebut, nasa teen pa din.
Haha. Isipin mo nga naman, 1 year lang tanda nila sakin pag nagkataon. Next month kasi mag dedebut na ko (di as a singer ah.. As a lady.. Wooh yipee!).
At dahil sa kaganapan sa buhay ko, di ko pa alam paano icecelebrate. After ng meet up with Knight Kisses, agad na kong nagpunta sa unit ko. Pag upo ko sa couch napansin ko ang isang organizer na may nakalagay na Knight Kisses' profile na merong sticky note:
----------------------------------
Getting to you know KK :)
Feb 2014
ZERO - Zen Ross Davidson (Nov. 11, 1994)
Pinakamakulit sa grupo dahil sya rin ang pinakabata.. So ingat ka na lang sa jokes nya.. Kung kaya mo sabayan, sabayan mo lang :) mabait naman yan eh, makulit lang talaga.
JIN - Josh Isaac Nielsen
(Aug. 21, 1994)
Pinakamatanda sa kanilang lahat, matured para sa age nya, mahilig magpaint, top notcher and wag kang maiinlove sa kabaitan nya, normal yun sa kanya. :)
LOKI - Loren Kit Santos
(Sept. 17, 1994)
Mr. Techie, lahat ng gadgets binili na nya, adik sa online games and may Just Dance 4 yan ng xbox, so you can play with him kung gusto mo. Pwedeng makasundo mo dahil same kayo ng course. Lapitan mo lang basta may di ka magets sa subject mo.. Ay wait, erase erase.. Wag na lang baka bumagsak ka pa.. HA HA HA HA HA!
BLAZE - Blaire Zed Evans
(Oct. 15, 1994)
IT master, lahat ng tanong related dun, iask mo lang.. Sigurado pasado ka dyan.. Yun nga lang dapat maging relax muna sya sayo bago ka nya pansinin.. Pagdating sa school at may tanong ka.. Ask mo.. Ako bahala sayo.. Si Blaze ang leader ng grupo, sya din ang inassign ko para itrain ka at mabawasan fats mo.. Ha ha ha ha ha.. :)
The rest ikaw na magobserve..
- MF
----------------------------------
"Sweet na sana kasi may notes eh.. Kaso nang-asar pa sa dulo eh.. Hay.." sabay tayo sa couch para pumunta sa kwarto ko. NKKLK.
α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanficWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?