The End.

117 4 6
                                    

Epilogue

 

 

“Katy gising na!” rinig na rinig ko ang sigaw ni Bei.

“NKKLK ha? Talagang kala mo bahay mo to kung makasigaw ka ha?” sabi ko pagkabukas ko ng door.

Pero nabigla ako nung pagbukas ko e mukha agad ni Blaze ang nakita ko. Woah!

Teka, totoo ba yung kagabi o panaginip lang? Parang totoo eh.

Pinisil-pisil at pinalo-palo ko ng kamay ko ang aking mukha. Naramdaman ko na may tumamang sing-sing sa mukha ko.

Waaaah. Siyang TUNAY! Waaaah.

“Haha, baby, ok ka lang ba?” sabi ni Blaze sakin na natatawa pa.

“Yes. Ah. Bakit ang aga niyo dito?” sabi ko.

“Kasi ngayon magche-check na tayo ng dapat nating gawin para sa kasal natin, ano ka ba?” sabi nito.

Oo nga pala. Ilang months lang ang preparation namin para sa kasal. Hindi pa din ako makapaniwala.

Kagabi parang ako lang at si Blaze ang nasa paligid. Ngayon ko lang naalala na yung mga tao na nakapaligid kagabi samin e sobra ang saya at hiyawan. Ang MF family namin e mga nakipag-group hug pa samin at dumating din si MF dun at nakita daw niya lahat. Though sumaway daw kami sa kanya e hindi pa din daw maalis sa kanya na matuwa dahil sa naging daan ang company niya para matagpuan daw namin ni Blaze ang isa’t-isa.

α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ

Dumating na nga ang kasal namin. Hindi ganon ka-public ang ginawa namin sa simbahan, pero hinayaan namin na i-cover ang kasal namin para i-show sa public. Wala na atang sasaya pa samin. Sa lahat ng nangyari, wala man kaming third party at puro hinala at kakulangan ng communication at tiwala ang dahilan ng alitan namin, pero ok na din yun at least madami kaming natutunan.

Masarap pa din magmahal na walang hadlang. Kung meron man basta sa tingin natin e tama, ipaglaban natin yun pero make sure na nasa tamang edad na.

Ang love hindi naman ganon kadali eh. Kasing hirap yan ng pag-akyat sa pinakamataas na bundok habang bumabagyo. Hindi mo kakayanin kung puro pagsuko at ka-negahan ang ibibigay mo.

Pagkatapos ng limang taon, nagkaroon kami ng kambal na anak ni Blaze. Si Seouon at Seojun. Ang cu-cute nila. Grabe, ang hirap nilang alagaan pero worth it naman kasi ang kukulit nila at masayahin.

Ang career namin ni Blaze e ok pa din. Bago ko magka-anak e lumalabas pa kami sa ibang bansa para sa mga concert tours. Ganon din si Blaze. Pero ngayon na may anak na kami, iba na ang offers na dumadating. Commercials para sa mga baby namin at medyo mature acting role naman sa drama and movies. Hehehe.

Sabi nila pag naging tunay na masaya ka, madaling dadating sayo ang swerte. Naging bukas ako dun kaya siguro ang swerte pa rin namin hanggang ngayon, o baka dahil na din sa asawa ko na lageng andyan sakin wahahaha.

Sina Bei at KJin naging sila na din. Though nagkaroon sila ng onting problem dahil sa ex ni KJin na bumalik, pero di naman din tumagal yun kasi alam nila kung anong nararamdaman nila para sa isa’t-isa.

Katulad namin ni Blaze, lalagay na din sa tahimik sila Lia at Loki. Hehe. Nakakatuwa kasi minahal ng totoo ni Loki si Lia, hindi niya hinayaan na ma-bash ito ng mga fans niya. Well, hindi din naman basta-basta si Lia no. Kahit na galing siya sa isang mayaman na pamilya eh, tumayo siya sa sarili niyang paa and become one of the top entrepreneur sa bansa. Bukod dun e meron din siya sa labas. Really so proud of her.

Si Marion naman at Zero, well, hindi sila nagkatuluyan hehe. Fan lang pala nila kami na gusto sila magkatuluyan pero brothers and sisters lang pala talaga ang peg nila haha. Nagkaroon sila ng kanya-kanyang relasyon at balak na din nila mag-settle anytime soon.

Si MF, patuloy pa rin ang pagiging magaling niyang boss at lalong lumalaki ang family namin sa company. May mga bagong artist na susunod na sa yapak namin at unti-unti ng gumagawa ng pangalan nila.

Sabi nga nila, there’s a rainbow always after the rain. Sabihin man ng iba na simple lang ang naging problem namin, pero hindi din mahirap magtago ng lagpas kalahating dekada ha? Parang lalaking torpe, puro pahaging.

Lahat masaya na no? Pati mga pamilya namin. Kaya ending na to. Hahaha.

Parang fairytale lang.

And we lived happily ever after. :)

 ><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><><>

A/N: Pasensiya perstaymer sa ganto hahahaha. Ganda ng kanta na Hide and Seek. haha. Appler, Daragon, NyongDal. This is the last pantasya ko na totoo sila. Hehe. Dahil hindi naman talaga. Minsan may mga bagay na nagiging bulag tayo dahil sa mas bet nating mangyari ang mga bagay na feeling natin e epek. Parang si Sandara at G-Dragon hehehe. Pero ngayon, maliwanag na sakin hehe. Salamat sa pagbasa kahit na medyo mababaw ang story ko na ginawa hahaha.. :)

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon