Chapter XXXII
Saan nga ba ang lugar na kami lang ang nakakaalam?
Actually, alam din naman ng iba yun, hindi lang nila alam na dun kami nagpapahayag talaga ng nararamdaman namin sa isa’t-isa. Pero siyempre may ibang nakakatama sa mga hinala nila.
Yes, isa lang ang alam naming lugar kung saan nagiging masaya kami.
Sa instagram.
Kumuha agad ako ng picture ni Sailor Moon kung saan mukha na ulit siyang prinsesa. More like naka-wedding dress. Dahil sa pagkarinig ko pa lang nun parang gusto ko na agad pakasalan si Blaze para lang di na siya mawala sakin.
Kung ano man ang sinabi ni Blaze dun, alam ko nay un. Kung san kami nagsimula, sisimulan ulit namin ngayon dun.
Sa mutual feelings na nararamdaman namin.
α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ
“Nakita mo na ba to Katy?” sabi ni Bei pagkadating na pagkadating ko ng practice room namin.
Picture to ni Blaze na may kasamang babae, magka-akbay pa.
Kuha to sa America at mukhang ang saya-saya pa nila. Over na to ha?
Mag-aayos pa lang kami, iba na namang issue ibinabato.
“Tara na, mag-practice na tayo para mamaya wala tayong mali..” pag-iignore ko sa pinakita ni Bei.
“Kilala mo ba yan Katy? Balita ko isa siyang sikat na model..” sabi naman ni Clay.
“I heard she’s one of the model din daw ng BZ, yung clothing line ng kapatid ni Kuya Blaze?” sabi ni Marion habang nag-i-stretching.
“Wala akong paki. Hayaan mo siya kung gusto niya mambabae. Hindi pa naman kami ulit diba?” sabi ko pa. Pero sa loob-loob ko, naiinis na ko at nanggagalaiti na naman kay Blaze.
“Look oh, andami nilang pics, mukhang close talaga sila ha? At based daw siya sa America kasi siya ang pinaka-katulong ni ate Zen para mag-promote ng clothing sa US..” sabi ni Bei na tila nag-google pa.
“Oh. Ganda niya ha? Hindi ba siya naikwento ni Blaze?” sabi naman ng mga ito.
“Wala. Ang kwento lang ni Blaze e isa lang ang nakakasama niya dun na babae, pinsan lang daw niya na nakatira sa America..” at nagdiretso na ko sa pag-practice ko. Wala naman maidudulot saking mabuti ang mga chismis. Kung anong sinabi ni Blaze, yun na lang papaniwalaan ko.
After an hour, natapos na din kami sa pag-aayos at pag-practice.
“Katy ok na ba kayo? Anytime magpe-perform na tayo..” sabi ni KJin.
Nandito kami sa backstage, yep. Grupo nila Blaze at grupo namin ang magpe-perform together. Wala namang iba kasi lage naman naming ginagawa to, pero excited kami ni Blaze kasi nominated kami as Best Female / Male Artist of the year.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictionWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?
