Thanks, baby! :)

61 0 0
                                    

Chapter XVIII

 

 

Nagdaan ng mabilis ang mga araw, may times na di kami nagkakasundo dahil sa mga small things. Like may nabasa ko sa IG na nag thank you na isang artist. Selosa lang ang drama ko. Kasi naman nabigyan lang ng gift ni Blaze kailangan ipost pa? Kakainis. Natawa lang siya sakin dahil dun. Kesyo napaka-selosa ko daw. E kasi naman nag-isip na tuloy yung iba na may something na sila. Nakakalungkot diba? Ako yung special eh.

Pero katulad ko, seloso din naman siya. Haha. Dahil nung foundation day namin napag-tripan akong gantihan ng pinsan ko, remember si Mia, yung sinet-up ko sa wedding booth. Yeah. Si Mia naman ang nag-set-up sakin sa wedding booth. Akala niya kasi crush ko pa din yung varsity player sa school na si Jason. Wala naman akong magawa kasi nahuli na nila ko eh. May nag-picture samin tapos inupload pa sa Twitter kaya naging viral pa, kasi nga sikat si Jason tapos ako naman part ng MF entertainment.

Nakita yun ni Blaze pati yung mga comment na bagay kami, kesyo ganyan-ganyan. I explained naman na ganti lang ni Mia yun. Kaso nag-selos talaga siya.

Pero is it my fault? Victim lang din ako.

Naalala ko tuloy yung scene nung nag-selos siya.

“Hey KBlaze gusto mong tubig?” alok ko sa kanya.

“Ah Jin, yung part ata na to dapat si Bei medyo poker face, what do you think?” baling nya kay KJin.

“KBlaze pahiram naman ng cap mo..” sabi ko dito saka kinuha yung cap niya. Mukhang nainis naman to sa pangungulit ko.

“Marion ikaw tong part na to ah..” bla bla bla.. kakainis.. sige ignore mo lang ako ah.

Dahil naiinis na din ako sa kanya tinapon ko yung cap sa sahig saka ko inipit yung hair ko at nag-practice na lang sa gilid.

Mukhang napansin ni KJin kaya siya na lang ang lumapit sakin at nagturo ng mga need kong aralin. Hindi naman sila dapat ang magtuturo kaso si KZero sabi niya kay MF sila na daw muna para maituro din daw yung tamang emotion.

Ano daw? Talaga lang ha?

“Clay dito ka.. tapos dapat ganto yung gagawin mo..” sabay turo pa niya nung pose. Magaling.

“Badtrip..” sabi ko na aalis na sana kaso bigla kong pinigil ni KLoki.

“Napaka-immature nito. Kung di ka nya tuturuan, kami bahala sayo. Wag ka ng mainis..” sabay ngiti nito sakin at hinawakan yung bibig ko saka binanat para mapangiti.

“Ok fine. Thanks KLoki..” sabi ko dito saka ko nagpatuloy sa practice.

Gumaan na ng kaunti ang pakiramdam sakto sa pagdating ni MF. Atleast wala ng maitim na aura sakin.

“Wow. Mukhang lalo kang sume-sexy Katy ah..” sabi nito sakin.. “Sa tingin mo ba Blaze?” baling nito kay Blaze na nakangiti pa.

“Ah.. ok lang..” sabi nito na ngumiti din. Baliw. Umalis naman agad si MF. Ganon lang talaga? Bati-alis? Hahaha. Atleast pinuri niya na sume-sexy ako hahaha.

Bigla namang napatid yung ipit ko. Pawis na pawis pa naman ako. Tinanong ko sila Bei kung may extra pa kaso wala daw.

Palabas na sana ko ng bigla kong hilahin ni Blaze.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon