BG / BB

91 1 0
                                    

Chapter XI

 

 

“Argggggh.. ang aga-aga naman neto oh…” sabi ko ng marinig kong may nagbbuzz sa unit ko.

Alas kwatro palang ng madaling araw, at sa pagkaka-alam ko hindi naman ako mage-exercise ngayon. Kaya nga late na ko natulog eh.

Sinilip ko yung peep hole para i-check kung sino. Hindi nga ko nagkamali. Si KBlaze na naman. Pagod na pagod pa nga ko sa exercise namin kahapon, plus nakisali pa ko sa training nila. Kaya nga ang usapan walang exercise ngayon eh.

“Ano na naman ba, KBlaze??” inis na sabi ko pag-open ko ng door.

“Mukhang pagod na pagod ka ah?” sabi nito ng nakangiti. Siyempre, flashing his bright smile at binubungad ang very gwapo at fresh niyang face.

“Bakit na naman?” pangungulit ko kung bakit andito siya.

“Sorry kung napagod ka, kung magdamag kitang pinatakbo sa isip ko…” sabi nito sabay kindat.

“Ha Ha Ha. Ang corny mo!” sabi ko dito sabay talikod papunta sa couch. “Pa-pulis kita dyan eh..” haha, tutal nagsimula na siya, sabayan ko na diba? Hehe

“Oo, alam ko na, ninakaw ko puso mo.. pero ikaw din naman eh..” sabay hawak niya sa kamay ko. “Ninakaw mo din puso ko..” sabi pa nito sabay kindat.

“NKKLK. Ako dapat yun eh. Kainis to. Eh bakit nga andito ka?” sabi ko ulit. Hindi pinansin yung kilig na naramdaman ko. Hahahahahahahaha. Ihhhh.

“Ah, sabi kasi ni MF, magbalot balot ka na daw, para mamayang 5am, makaka-alis na tayo..” sabi nito, aba, bumabanat pa.

“Bakit? Kasi dadalhin mo ko sa home for the aged dahil you wanna grow old with me?” pagbibiro ko sa kanya.

“Hahaha. Baliw!” sabay batok niya sakin.

“Aray ha..” sabi ko habang hawak-hawak yung ulo ko.

“Sorry, akina, kiss ni Blaze.. saan masakit? Sa lips?” sabi nito na sabay hawak sa pisngi ko.

Feeling ko namumula ko sa ginagawa niya, kahit na biro lang, nakakakaba.

“Che!” sabi ko bigla, di ko na alam ang sasabihin eh. NKKLK to.

“Di nga, mag-empake ka na, lilipat na daw tayo ng unit along EDSA..” sabi nito na mukhang inuumpisahan na ang pag-ayos ng gamit ko, may kinuha pa tong box sa labas.

“Oh? Wow! Gusto ko yun. Mas malapit sa mall. Wahahaha..” na-e-excite na sabi ko.

“Yep. As far as I know, walking distance lang siya sa mall..” sabi nito na busy sa paglagay nung mga personalized pillow ko na nasa couch.

“Wow. TimeZone tayo minsan noh?” yaya ko dito.

“Sure. Kung papayagan tayo ni MF.. alam mo naman 18 days na lang debut na namin..” sabi nito. Tama magiging busy na nga sila at di na madaling lumabas basta.

“Oh? Oo nga pala, 18days debut niyo na as singers, ako naman sa pagiging dalaga! Yehey!” sabi ko. Nae-excite na talaga ko.

“Ah oo nga pala noh? Kamusta na si tita? Ok ba yung fitting niyo, di ka naman ba tumaba?” paninigurado nito. Yep, tita nga tawag niya, pati yung iba, kasi nung dumating si Mommy, agad siyang pumunta dito sa management para i-check kung ok ako dito and yung terms. She’s cool with it. She’s really happy nga eh, kasi para daw pag wala daw sila sa Pinas, makikita naman daw nila kami sa internet or TV.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon