Chapter XXIV
“Hindi na ata matatapos ang balita tungkol sa inyo Katy?” tanong sakin ni MF habang nasa studio kami.
“Hayaan niyo lang po sila. Wala ata silang magawa eh. Totoo namang pareho kami ng mga gamit, kasi sa endorsements naman namin galing yun eh..” pagpapaliwanag ko.
“Yun nga eh. Baka naman pwede na hindi niyo sabay na sinusuot?” sabi pa nito.
“E nagkakataon lang naman po na suot ko eh, di bale, ime-message ko na lang po si KBlaze kung anong suot ko para maiwasan po..” pagsisinungaling ko pa.
Sa totoo lang ang hirap magsinungaling.
Siguro kung tatawag ako kay papa jack, isa lang sasabihin nun.
ALAM MO NA PALANG BAWAL TEH, BAKIT ITINULOY MO PA? MAHAL MO BA? IPAGLABAN MO!
Kaya ko naman lahat, kaso ngayon mas mahirap na eh. Tipong pati si Manager Fran kailangan na kong pagsabihan. Never naming dineny ang issue samin ni Blaze. Pero never din naming inamin.
Alam mo yung feeling na minsan nasa isang lugar lang kayo pero hindi mo man lang siya makamusta? Ni hindi mo man lang siya makakwentuhan. Hindi mahawakan. Hindi mayakap. Hindi mangitian. Lageng ang ngiti, hindi nakatingin sa isa’t-isa. Lageng sa iba. Wag lang malaman na totoo lahat.
Minsan kahit ang mga girls pati ang boys eh hindi na rin alam ang gagawin.
Affected na din sila dahil baka pag nalaman ni MF to e may mabuwag.
Patuloy pa din ang pagpapa-baling ni Blaze sa issue. Mula samin hanggang sa iba’t-ibang babae na hinahayaan niyang ma-link sa kanya. This is the only way I can protect you.. US.. yan ang sabi niya nung nakaraan na magkasama kami.
Masakit pa din na ganon ang nangyayari pero tiwala lang. May mga bashers pa na pag nag-post ako ng linked kay Blaze e nang-aaway kesyo para daw sa idol nila si Blaze.
I felt so alone.
I even cried alone.
Katulad ngayon, nandito ko sa sala. Nanonood ng Korean movie, nakakalungkot, nakakaiyak. Tumutulo luha ko, pero sa totoo lang, hindi yung movie ang iniiyakan ko eh.
Kundi yung nararamdaman ko.
Ang hirap na nakikita ko siyang naka-ngiti sa iba.
“Oy girl! Ano ka ba? Bakit ka umiiyak?”
Nagulat ako ng dumating sa bahay ko si Bei. Bumibisita at may dala pa. Ang favorite kong cassava cake.
Agad ko tong kinuha sa kanya at kinain yun. Para kahit anong tanong ibato niya, hindi ko masasagot dahil puno ang bibig ko.
“Ano ka ba, sis? May problema ka ba?” tanong pa nito na hinahawakan pa shoulder ko.
“Whalha. Owkeihy lahng akohw..” sabi ko habang ngumunguya.
“Anong ok?” sabay agaw nito sa kinakain ko. “Itigil mo nga yan!”
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Hayran KurguWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?