Chapter XVII
Halos 6 months na mula nung nag-debut ang Knight Kisses, tuloy-tuloy na ang mga shows nila. Minsan pinapanood namin sila pero mas malimit nasa gym kami para mag-exercise. Kapag wala naman sa gym, nasa dance area kami para ma-practice naman yung dancing skills namin kasi more on singing talaga kami eh. Pero nagbubunga naman ang pagte-train nila samin kasi mukhang innate naman talaga samin yun. Wahahahaha.
Minsan kung ano-anong pinapa-practice nila samin, pero mas malimit kay Beyonce. Masaya naman kami dun, minsan pa ginagawan namin ng cover para daw mas makita namin kung ok na ba yung performance.
Naging busy din kami sa school dahil graduating na kami. Focused sa thesis at sa kung ano-ano pang related sa grades namin. Nalaman din nila na part kami sa MF entertainment kaya pag may program hindi kami nawawala sa listahan ng magbibigay ng intermission number. Wala namang problem kay MF yun dahil exposure na daw yun para samin.
“Friend, ano namang kakantahin niyo sa Foundation Day natin?” tanong sakin ni Lia.
Nalalapit na nga ang Foundation Day namin, 1 week na lang pero hindi pa din namin alam kung anong kakantahin.
Nakatambay kami ngayon sa gazebo malapit sa gate ng school, dito kami lageng naka-pwesto kaya nagbigay na lang yung iba para samin pero siyempre may mga atribida pa rin na naiinis samin kasi masyado daw mabait mga tao samin dito. Well, haters gonna hate kaya deadmakels na lang ang gandara park namin.
“Si Bei na daw bahala sabi niya eh..” sabi ko naman dito habang nagse-send ng message kay Blaze.
Sa sobrang busy nila halos tuwing pag-uwi ko na lang sila nakikita, minsan pag umaga naman. Kaya panay message na lang kami, send ng picture or voice notes.
“Leave it to me girls, iniisip ko pa kasi yung bagay sa boses natin..” sabi nito habang may pinapanood na video.
“Bei, mamili ka na lang dyan sa video natin dyan. Para hindi na tayo mahirapan..” sabi naman ni Marion.
“No Broken-Hearted Girl na lang..” sabat ko dito.
“Wow leader. Maganda nga yun..” sabi naman ni Clay.
“Ako bahala sa costume niyo..” sabi naman ni Lia.
“Lia, nung nakaraan na nagbigay ka samin ng costume halos iluwa ang pwet ng bata namin, este ni Bei pala. Baka naman ngayon halos wala na kaming suotin?” sagot ni Clay dito.
“Grabe naman kayo. Conservative naman ngayon kasi nung nakaraan nag-message sakin si Blaze. Nakakainis parang tatay..” sabi naman nito na nakanguso pa.
“Girl, kung ikaw man e part ng grupo namin baka pati si Loki e mainis. Buti na lang may coat kaming pare-pareho..” sabi ni Bei dito.
“Buti na lang tag-ulan, e pano kung summer, tapos bigla kaming mag-coat, nakakaloka ka..” sabi naman ni Marion.
Pasaway kasi tong si Lia eh, bigla-biglang may binabago sa damit ng last minute kaya nagugulat na lang kami.
“Hindi na promise..” sabi nito na nag-taas pa ng kanang kamay.
Bigla namang nag-ring ang phone ko kaya nag-excuse muna ko sa kanila.
“Oh bakit?” tanong ko dito.
“Grabe naman, parang ang sungit ng baby girl ko ha?” sabi naman nito sa kabilang linya.
“Nakakainis ka kasi eh. Sabi mo magkikita tayo ngayon tapos hindi mo naman tinutupad..” sabi ko dito habang nakanguso kahit di niya nakikita, mararamdaman niya yun.

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictionWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?