Iyak pa more..

54 1 0
                                        

Chapter XXVI

 

 

Naglalakad ako ngayon sa isang mall. Hindi naman ako nakikilala kasi naka-disguise ako. Nakatakip ako ng mukha na parang sa muslim. Sorry kung nagamit ko yung malong nila, kaso kung ganto lang ang paraan para makapaglakad ako ng normal e uulit-ulitin ko to.

Biglang nagbeep ang phone ko. I checked kung sino yun. Si Blaze.

“Baby, I’ll see you soon..” sabi nito.

I am trying to feel the excitement pero parang wala eh. Masyado na ba kong baliw at pati ang pagmamahal ko sa kanya eh hindi ko man lang maramdaman ngayon?

Natatabunan na ba to ng mga araw na hindi ko siya kasama?

Nang magsawa na kong mag-ikot, umuwi na ko samin. Wala kong work for 2 days kaya magkukulong ako sa bahay kasama ng mga dvd na binili ko. Mga Korean movies. Masyado na ata kong nai-impluwensyahan ng ganto. Ang weak weak ko!

Nagulat ako ng may tumakip sa mata ko.

“Guess who’s back?” sabi nito.

Walang kagana-gana naman akong sumagot sa kanya.

“Real Slim Shady?”

“Engk. Patawa ka talaga. Na-miss kita baby!” sabi nito.

Kabababa ko lang ng car nun. Hindi ko namalayan na nasa gilid lang pala siya. Ganon ba talaga ko ka-lost?

“Hi, kelan ka pa nakabalik?” sabi ko dito.

“Kanina lang. kaya dito ako bumaba kasi akala ko name-miss mo na din ako eh. Kaso mukhang nalungkot ka..” sabi nito.

Agad naman akong naglakad papasok ng bahay. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya.

“Katy.. please.. ano bang gusto mo? Andito na ko diba?” sabi nito.

“Ilang days?” very cold na sagot ko.

“Pagka-ayos ng visa ko.”

“See. Babalik ka ulit dun. Bakit naman ako sasaya kung aalis ka din?”

“Hindi ba sapat na nagpunta ko dito at nagpakita agad sayo?”
“Aalis ka pa din..”

“Katy.. bakit ka naman ganyan mag-isip?”

“Ewan ko. Pagod lang siguro. Sorry Blaze. Kumain ka na ba?”

“Kanina. Gusto mo bang lumabas tayo?” tanong nito sakin.

Napa-taas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Lumabas? Blaze naman. Don’t act as if ok tayo. As if ok tayong nakikita sa labas na magkasama.”

“Mag-disguise tayo, yung usual na ginagawa natin..”

“No. Lage na lang bang ganon ang option natin? Mag-disguise? Relationship ba to? O relationshit?” sabi ko sa kanya. Naiinis na talaga ko. Parang napaka-normal lang sa kanya. Kalmado. Masyado siyang masunurin at masyadong mabait.

“RelationShit, Katy? Kelan mo pa naisip yang ganyang salita?” maluha-luhang sabi niya. “All this time, ginagawa ko ang lahat para ma-protektahan kung anong meron tayo Katy..” hindi ko napapansin na unti-unti ng tumutulo ang luha ko. “Akala mo ba pumunta ko dun para lang sa sarili ko at sa company natin?

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon