Cheenee Angelie

58 0 0
                                    

Chapter XXXIII

 

 

“Heard the news, baby?” pagdating ni Blaze galing sa office ni MF.

“Masyado kang masaya ha? Oo narinig ko na, eto oh!” sabay bato ko sa kanya nung newspaper na may mukha nila nung model na naka-based sa US.

“Oh? Anong meron dito?” sabi pa nito na akala mo nagmamaang-maangan.

“Ikaw ang dapat magsabi, anong meron?” sabi ko pa.

“Ang taray mo talaga e noh? Si Cheenee Angelie yan..” sabi pa nito habang lumalapit sakin para i-hug ako.

Bigla naman akong tumalikod kaya sa likod na niya ko nai-hug. Waaaah. Sarap ng feeling.

Hihi. Sa sobrang sarap ng yakap niya, ok na ko, promise hehehe. Joke!

“Tumigil ka nga! Sino ba kasi yan? Siguro ka-fling mo yan nung nasa America ka no?” sabi ko pa dito.

Lalo naman niyang hinigpitan yung yakap niya sabay hipan sa leeg ko. Sa gulat ko dahil may kiliti ako dun, bigla ko siyang nasiko.

“Aray! Ano ka ba naman baby!” sabi nito na hawak-hawak ang kanyang sexy abs.

“Ayaw mong sumagot ng matino eh. Ginagalit mo talaga ko ha?” sabi ko naman dito.

“Pinsan ko yan, ano ka ba?” sabi nito. “Diba, yan yung kinekwento ko na kasama ko dun minsan..” sabi pa niya.

“Ano? Syinota mo ang pinsan mo? Walangya ka, nakakadiri ka!” sabi ko dito sabay pinaghahampas ang katawan niya.

“Seriously, Katy?” sabi nito na natatawa sa ginagawa ko.

“Pinsan mo yan? e hindi naman kamukha ng pinsan mo yan ha?” sabi ko pa, dropping the idea na syinota niya ang pinsan niya.

“Look..” sabi nito sabay labas ng phone niya saka pinakita yung picture ni Cheenee Angelie, with and without make up.

“Woah! Siya to? Grabe..” siya nga. Masyado lang talagang makapal ang make up nung pinsan niya compare dun sa wala siyang make up kaya di basta basta makikilala, plus wala masyadong kilay yung pinsan niya pag walang make up.

“Yep. Hindi naman kasi siya mahilig mag-make up, need lang niya yun pag lumalabas siya for photo shoots.. halika nga dito..” sabi niya habang hinihila ko papalapit sa kanya.

“Ang touchy mo ha. Kainis ka..” sabi ko dito.

“Ayaw mo? Wow. Dalagang pilipina ang mahal kong baby..”

“Che! Teka, bakit ka nandito?”

“Ah yep. Nga pala, bukas magkakaroon tayo ng meeting with a movie director, writer and other staffs.. pati si MF..” sabi niya.

“Wow! Totoo ba to? Magkaka-movie na tayo?” sabi ko naman na tumatalon-talon pa.

“Ay hindi! Kakanta lang tayo. Habang nagfi-film sila, kakanta lang tayo sa gilid. Original soundtrack tapos live singing.”

Bigla naman akong nalungkot pagkasabi niya nun. Excited na eh oh. Andun na eh, halos maabot ko na yung ceiling namin sa pagtalon ko, tapos biglang ganto? NKKLK.

Umupo ako sa couch saka yumuko na kunwari nalulungkot.

“Bakit? Ayaw mo bang kumanta?” sabi niya sakin habang inaayos ang pagkakaupo ko.

“Gusto naman kaso akala ko may bago tayong gagawin eh..” sabi ko na naka-pout ang lips.

“Hehehe. Joke lang. Ang totoo niyan –“

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon