Why so hot and cold?

122 0 0
                                        

Chapter IV

Nagsimula na kong tumakbo sa field. Habang si Kuya B nakahiga sa bleacher. Nakakagana naman yung mga songs nya kaso nakakapagod pa din.

Isipin mo 3k per round.

Ano ko runner?

*shine a light through an open door,

Love and life I will divide,

Turn away cause i need you more,

Feel the heartbeat in my mind*

May tumatawag ata.

Sagutin ko nga.

Di ko na tinignan yung caller ID.

Sinagot ko na lang sya basta.

Kung sino man sya sasabihin ko na lang kay kuya B.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"I can see you from here. Kung napapagod kang tumakbo, mag-brisk walking ka para rest ng konti pero pag ok na, takbo na ulit."

*toot toot toot*

Ang masarap kausap na tone ng ended call.

"AT TALAGANG DI KA MARUNONG MAG-GOODBYE SA PHONE HA?!" sigaw ko sa kanya. Malayo naman sya, kaya feeling ko hindi naman nya ko rinig. Baliw na to. Pero pag narinig niya ko paktay ka diha, baka gawin pang 3 rounds.

Sinunod ko na lang ang payo nya.

Run.

Brisk walk.

Run.

Gang sa naikot ko na ang isang circle.

May isa pa. Wooh. Patience. Ha ha ha.

Sarap pala ng feeling.

Nang pagdaan ko sa bleacher na hinihigaan ni Kuya Blaze nakita ko na tumayo sya dun. Lumapit sya sakin at tinanggal ang left earphone ko. Nagulat ako ng ilagay nya yun sa left ear nya. Mukhang sasabay na ang loko ah.

"Parang ang hirap naman ng bet mong gawin. Sayo na lang kaya?" aabot ko na sana pati yung sa right na earphone kaso pinigil niya ko at binalik sa tenga ko.

"Let's just walk. Sabayan mo ko maglakad" sabi nito.

"Eh ang haba ng legs mo, malamang mabilis yan. Are you freaking kidding me?" sabi ko sa kanya. Kasi alam ko mapapagod ako sa baliw na to eh.

"No." sabay lakad nya. At talagang mabilis. Hihingalin ata ako neto ah. Hindi na ko umimik. Nakita ko na may 2 nakatingin na lalaki samin. Lumagpas na sila kaya hinayaan ko na lang. Kahit medyo weird ang feeling. Mukhang mga maniacs. Buti kasama ko si Kuya B. Kahit paano feeling secured.

Hingal na hingal na ko. Daig ko pa ang tumakbo. Pero mukhang napansin naman ng mokong na to kasi binagalan nya lakad nya.

"Bakit ka nga ba sumama maglakad? Kala ko ba ayaw mo?" takang tanong ko sa kanya.

“Nakita mo yung 2 lalaking dumaan diba? Kanina pa sila nakasunod sayo” he then explained to me.

"Aw. Really?" Tumango naman sya sa tanong ko. Mga manyak na lalaking yun, nagandahan ata sa legs ko, haha charot. Imbis na matakot parang natuwa pa ko kasi I felt that he cared for me.

"Hindi mo kasi napapansin kasi nakaearphone ka” tuloy pa na explain nito,

"At ikaw napapansin mo dahil nakatingin ka??"

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon