In love at confused lang.

42 1 0
                                    

Chapter XXV

 

 

“Hello Blaze? Hello?” shemay naman oh. Naputol pa yung call.

“Si Blaze ba yan?” tanong ni Clay sakin.

Nasa studio kami ngayon dahil sa comeback album namin.

Habang si Blaze, ayun, nasa America sila ngayon kasama ang group.

Pinadala sila ni MF dun para mag-represent ng bansa namin. Para mas lalo daw makilala ang talents at ang MF Entertainment.

Mag-iisang taon na sila dun. At hindi pa alam kung kelan sila babalik. Paikot-ikot lang sila sa ibang bansa, pero dito sa Pinas? Ni hindi nga nakakadaan dito.

Hindi ko alam kung anong plano ni MF pero masyado na kaming naaapektuhan ni Blaze.

Hindi naman siya nagkukulang sa pagpapadala ng sweet nothings niya.

Kaso…

Walang araw na hindi kami nag-aaway.

Walang araw na hindi ako umiiyak.

Walang araw na hindi ako nag-iisip ng masama.

Araw-araw nami-miss ko siya.

Araw-araw naaalala ko siya.

Araw-araw gusto ko na nakikita ko siya.

Sa araw-araw na yun, nagkakausap man kami pero saglit lang, gabi dito, umaga dun.

Tulog siya, gising ako.

Gising siya, tulog ako.

Ang dating masayang relasyon namin, ngayon nagiging malabo.

Kasing labo pa ng utot mo.

Oo.

Hindi makita.

Hindi man lang nga ko makapunta dun eh, tuwing hihingi ako ng break kay MF, di pwede, kasi kahit wala kaming show sa TV, nasa gig naman kami, paikot-ikot din.

“Hey, kamusta ka na ba dyan?” tanong sakin ni Blaze habang nasa phone.

“Ok naman, ikaw ba?” walang ganang sagot ko.

“Eto, ang hirap talaga dito, Baby. Parang bawat araw ang bagal matapos.”

“Talaga lang ha? E nakakalimutan mo ngang mag-message sakin.”

“Diba, sabi ko nga, dapat magpaka-busy tayo para matapos agad yung araw?”

“E bakit mabagal pa rin sayo?”

“Kasi naiisip kita.. wag ka namang ganyan sakin oh. Lage ka na lang galit. Lage na lang akong walang ginawang tama.”

“So ako ang mali ngayon?”

“Hindi naman sa ganon. Pero sana maging understanding ka naman sakin. Lalo na at malayo tayo sa isa’t-isa.”

“Ok. Ok. Sige na antok na ko.”

“Ok. Sige. Ingat dyan lage. I love you.”

“K. Love you din.”

Sa totoo lang hindi naman ako inaantok, pero pag alam kong konti na lang e sasabog na naman ang topak ko, e ayoko ng ipagpatuloy yung usapan namin. Wag lang may masabi pa kong hindi maganda.

Minsan, sa sobrang pagod ng tao, madali na sila talagang magalit, mag-sungit at maging unreasonable.

Hindi ko naman sinasadya na ganto ko eh.

Pero sa tuwing di ko siya nakikita dala na din ng pagka-miss, e, napaka-initin ng ulo ko.

Minsan nga feeling ko ng naghagis ng lungkot, inis, at kawalan ng pasensya eh, ako lahat ng sumalo.

Oo.

Tulog silang lahat, ako lang ang gising.

E sakto may drum sa tabi ko, nakahawak pa ko, kaya salo lahat.

Akala nila sakin eh. E di binigay lahat sakin.

Lahat ng sama ng loob.

Negativity!

Bwisit!

Lumipas pa ang ilang araw.

Patuloy pa din ang asar ko.

To the point na halos mag-break na kami sa confrontation namin.

“Ano ba Katy? Maging reasonable ka naman oh. Hindi naman ako naglalaro dito eh. Work to.”

“Work nga, pero parang nakakainis na dahil dyan nagkakaganto tayo.”

“Diba since nag-start naman tayo e alam na natin na ganto talaga ang situation?”

“Oo pero hindi yung ganyan na mag-i-isang taon ka na dyan. Hindi kita nakikita. Hindi ko alam kung totoo bang work lang ang ginagawa mo dyan?”

“Katy, of course, lumalabas din kami diba? I’m even sending you a picture kung nasan kami diba?”

“Malay ko ba kung nambababae ka na dyan?”

“Baby, asan na ba yung Katy na nakilala ko? Yung nagtitiwala sakin?”

“Sa totoo lang, ewan ko. I am getting weaker and nagger.”

“Do you still want to make this work?”

Pagkasabi niya nun, e agad na kong nagpaalam sa kanya.

Ang sagot, ako mismo hindi ko alam.

Lumipas pa ang ilang araw. Hindi ko alam kung bakit lutang ako lage.

Hindi ako adik ha?

In love at confused lang.

α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ  α ∞ Ɖ

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon