Ideal ;)

54 0 0
                                    

Chapter XX

 

 

Sabi nila, great things come from small beginnings.

Wahahaha.

Oo na!

Galing nga sa milo chocolate drink yun.

Pahiram lang naman eh hehehe.

Bukas debut na namin. At birthday ko na din! Yipee!

Ngayon nagre-relax muna kaming mga girls dito sa sala.

Actually, nasa isang show ang Knight Kisses and we’re waiting for them.

“Oh ayan na pala oh..” sabi ni Clay na may dala-dalang popcorn habang tinuturo sila Blaze sa TV.

“Seriously Clay, are you gonna watch a movie?” sabi naman ni Bei.

“Pag popcorn, movie agad? Di ba pwedeng nagke-crave lang? NKKLK..” sagot nito sabay salampak ng pwet sa couch.

“Quiet na girls, penge nga nyan..” sabi naman ni Marion. Inilapag naman ni Clay yung isang lalagyan na puro popcorn.

Tahimik naman kaming nanood nito. Nakakatawa talaga sila, very humorous, no wonder bakit madaming viewers at trending na sila now.

“Another question from the audience. Siyempre di na ata to mawawala..” sabi nung host sabay tawa. “Single pa daw ba kayo?”

“Siyempre single! NKKLK. Wala namang mga asawa yan eh..” nagulat kami ng biglang nagsalita si Marion.

“Kalma, girl..” si Bei naman ngayon ang sumasaway.

Ako? Wala. Wala kong reaction. Manood na nga tayo.

Napangiti naman sila dahil sa tanong ng host.

“Yep. Lahat kami single..” sabi ni KZero sa host saka kinindatan ito. Kinilig naman si host kasi naman noh, ang cute ni KZero nung ginawa niya yun. Tumili din ang mga audience dahil dun.

“Kung single kayo, anong mga ideal type niyo? Blaze?” baling nito kay Blaze.

All smiles naman si Blaze. “Ako? Gusto ko yung babaeng relax lang sa paligid niya. Walang paki-alam kung magulo man buhok niya, yung kahit di siya marunong magluto ng food e mag-e-effort pa siya magluto for you. Gusto ko pareho kami ng trip. Makulit ba. Yung babaeng mahal ng family ko..” seryoso si Blaze habang sinasabi niya yun at the same time nakangiti pa din na akala mo may firefly sa mata sa sobrang kinang nito haha.

“Wow. Ang swerte naman kung sino man yung girl na yun noh?” sabi ng host saka humarap sa audience. Rinig na rinig naman yung sabi nung isa na “Ako yun, Blaze!” kaya natawa sila.

Nagulat naman ako nung batuhin ako nung mga girls. At sabay-sabay pa talaga ha? Buti na lang popcorn lang yung binato.

“Kayo talaga. Masama magsayang ng pagkain..” sabi ko dito.

“Pero mas masama matulala at mukhang naglalaway dyan dahil sa sinabi ni Blaze..” sabay tawa ni Bei.

“Over kayo. Hindi kaya ako nakatulala..” pagtanggi ko kahit feeling ko nagba-blush ako dahil sa sinabi ni Blaze. Wahaha.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon