Chapter XXII
Days, months, years have passed.
Well, 3 years to be exact.
We’ve got a lot of fandoms, few haters and we’re like overworked.
Hinayaan na din kami ni MF na bumukod kung gusto namin. Nagpa-iwan sila Clay at Marion. Ang reason ni Clay e dahil umalis daw ng bansa yung mom niya dahil kasama na nito yung true love niya at nagta-travel daw around the world while si Marion naman e medyo malayo yung bahay nila sa mga usual locations ng mga shows namin kaya mas pinili niya dito na lang tumira. Si Bei naman may sarili siyang unit kaya umuwi na siya dun. Ako? I chose to move into our house para na rin maging mas madali ang kilos namin ni Blaze. Lalo na ngayon na medyo nagiging madalas ang away namin.
Yung past two years namin ni Blaze medyo naging mahirap. Madaming work masyado to the point na minsan twice or thrice in a month na lang kami nagkikita.
Kung hindi kasi siya wala, ako naman ang wala.
Naging mahirap para samin ang changes na nangyari. Maraming selosan at mahirap minsan i-resolve lalo’t nagkaka-gap kami.
Minsan nagkakaroon kami ng acting gig.
May love team.
Yes, ibang love team.
Hindi siya.
Hindi ako.
Dahil sa sobrang dami ng tao, maraming iba’t-iba ang pananaw kung sino ang bagay sakin or bagay sa kanya.
Mga maling mga reports. Mga malisyosong reports.
Minsan nakita daw nila kong may ka-date, may ka-holding hands na isang singer, minsan actor.
Minsan naman siya daw ang may ibang kasama.
Nagkaroon din naman ng time na kaming dalawa ang nasa balita. Lahat ng bagay na magkapareho kami na-ungkat nila.
I was featured in one of his solo song. Ang title nun eh Hello. It was really made for me.
Remember when he said na hindi yung pagpapakilala ni MF ang unang time na nakita niya ko? Kasi it was his nth time na pala na nakita ako.
Hello.
Unang salita na nasabi niya sakin nung nagkita daw kami.
I was singing daw with my friends sa isang arcade nung nakita niya ko. Bigla daw ako nag-stop sa pagkanta nun so he’s wondering why kaya sumunod daw siya sakin.
Natawa nga daw siya nung nakita niyang sa CR lang pala ko pupunta, iniisip daw niya e may katagpo ako. While waiting daw nag-ayos daw siya ng shoe lace niya, e sakto daw nung pagyuko niya eh, bigla ko siyang nabangga kasi siya naman daw that time e inaayos yung pouch niya.
Hindi ko talaga siya matandaan, yun pala dahil siya yung lalaking naka-cap na nabangga ko, pagkasabi ko ng sorry daw, ang nasabi niya Hello.
Since then he was being pulled by his legs to dropped by to that same arcade. And later realized na hindi na lang basta like yung nararamdaman niya. More of an admiration kaya he asked MF to check me out. And the rest is history.
At dahil dun kaya niya nagawa ang kantang Butterfly, which by the way eto yung song before hello. Kung maririnig niyo yung butterfly sa dulo may nag-ring, at dahil dun, isunod na niya yung Hello para ako naman daw ang sasagot. Weeeeeeeeh.
(A/N: Butterfly ni G-Dragon ay nauna sa Hello. DaraGon fans believed that yung ring na nasa dulo ng butterfly ni GD e para sa Hello talaga na kasunod na ini-release nila. Ang sabi ni GD sa kanta, it’s your turn, then nag-ring, ang sabi naman ni Dara, Hello? –featured si Daraxxi sa Hello, kaya lumabas ang pagpapa-cute ni GD at madaming naniwala na may something talaga sila. Hahaha)
We’re so in love that we grabbed every chance na pwede. Pag walang work, niyayaya namin sila Bei or KJin para samahan kami lumabas. May mga interviews din samin na yung mga fans namin e nire-reveal na meron kaming secret relationship. Pareho daw kami ng mga suot. Necklace, ring, the cartier bracelet, mga damit. Hairstyle. Connected daw mga sinasabi namin. Pati IG at Twitter namin hinahalungkat nila kesyo si Blaze daw si Mamoru, ako daw si Sailor Moon. Pag nagpose daw ako, meron din daw si Blaze na ganong pose, or vice versa.
Pag may mga show kami na magkasama, hindi kami hinahayaan ni KJin na magkatabi. Hindi daw sa pinagbabawalan kami, pero dahil sa fans namin, baka lalo daw mahalungkat ng mga yun yung secrets namin.
Though hindi kami magkatabi, nabibigyan pa din ng meaning.
He’s staring at me daw, minsan sa mga kasama kong guys, parang protective daw na tingin. Pag nagsasalita daw ako, wala pa daw yung punch line ko, natatawa na siya.
Yes. Ganon nga ang nangyayari.
Tinginan lang ang pwede naming gawin.
Konting ngitian. Pigil na ngiti.
Pag nasa stage lage siyang naka-alalay dahil sa heels ko. Pag may show kami, andyan din siya to support us. Kaya never ko din pinalampas ang show niya kasi I want him to know that I, too, will always be there to support him.
Minsan naiiyak na lang ako sa kanya kung bakit ganto, ang hirap ng situation namin.
With a very warm hug, he’s always re-assuring me that everything will be alright.
He’s been very sweet at ang hilig mag-surprise.
On our 1st year, nagulat na lang ako pagka-gising ko na may mga petals sa floor, naka-form ng I love you. May cartier bracelet din na pareho kami. He’s been sitting pala sa side, kung san di ko siya agad kita, kaya nagulat ako nung bigla siyang tumugtog at kinantahan ako. Para lang siyang nanliligaw talaga.
Sa sobrang saya ko nga, ni hindi ko siya maharap dahil naiiyak lang ako. Bakit ba kasi ang sweet sweet niya diba?
On our 2nd year, dahil allowed na ko magka-car nun, dun naman niya ko ginawan ng surprise.
Pag-open ko ng trunk, instead na mga gamit ko ang makita ko, e, mga balloons ang kumawala mula dun. Written with different words to describe me and his feelings.
This guy is really sweet. He hugged me at the back and whispered how much he loves me and that we should be strong and just keep it natural and real.
May away man kami pero nakakaya pa din namin and sana makaya pa din namin.
Ngayon kasing nakalipas, may iba kay Blaze eh.
“Totoo ba?
Totoo ba na ang leader ng Knight Kisses na si Blaze ay seen daw kagabi with singer Luya?”
α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ α ∞ Ɖ

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictionWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?