Inspiration

83 1 0
                                    

Chapter XII

 

 

Nakalipat na kami ng building, at iba na ang bawat unit namin.

Ganon pa din naman, katabi pa rin ng unit ko ang unit nila.

Oo nga pala, ngayon daw ipapakilala ni MF yung magiging kasama ko sa group. Kaya andito ko ngayon sa practice room namin.

“Oh Katy. Andyan ka na pala? Kumain ka na ba?” sabi ni MF pagbukas niya ng pinto ng practice room. May dala siyang pizza that time. Wow. Nakakatakam ah. Nagulat naman ako ng biglang matawa si MF. “At talagang dito ka nakatingin sa dala ko ah? Mukhang gutom ka na nga. Haha. Ginutom ka ba ni Blaze?” sabi pa nito,

Umiling naman ako dito.. “Wala naman po sila dito eh, nasa isa pang practice room, mukhang puspusan na yung practice nila kasi 2 weeks mahigit na lang eh.”

“Tama ka dyan, by the way, andito na nga pala yung makakasama mo.. Girls?” sabi nito na mukhang nasa labas lang yung mga girls. At tama nga, kasi biglang pumasok ang tatlong very pretty na mga babae.

“OMG. MF!” sabi ko dito.

“Oo, ramdam kong nalulungkot ka na lageng si Blaze at yung iba na lang kasama mo. Haha. Kaya eto, minadali ko na ang paghanap sa kanila. At eto na nga sila..” sabi nito na sinenyasan na magpakilala ako dun sa tatlo.

“Hi Girls, I’m Katy.. been waiting for you, ilang months na. Buti na lang dumating na kayo..” hindi ko alam ang sasabihin ko, kasi awkward pa pero excited na din talaga ko kasi may babae na kong kasama.

“Hello, I’m Marion. Nice meeting you..” sabi nito sabay lahad ng kamay niya, inabot ko naman ito.

Kung titignan, si Marion ang mukhang pinakabata samin.

“I’m Clay. Ang ganda mo pala talaga Katy..” sabi naman nito.

“Eto naman, maliit na bagay..” biro ko sa kanya.. mukhang na-gets naman niya. Haha. Ganto kasi nakikita ko kay Ryzza Mae Dizon eh.

“At ang kulit mo din pala talaga. Bei nga pala..” sabi nito at nilahad din ang kamay.

“Mukhang magiging maganda ang samahan niyo. Tandaan, pamilya tayo kaya lage kayong magmamahalan at itrato niyong kapatid ang isa’t-isa. Sige na Katy, tour mo na sila dito at dalhin mo sa unit niyo..” sabi ni MF sakin.

“Alright MF!” sabi ko naman.

“Oh, eto na yung pizza. Kawawa ka naman eh..” sabi pa nito na ikinataka ng girls. “Haha, di ko kasi naikwento sa inyo. Yang si Katy, overweight yan dati. At dahil kailangan niyang pumayat bago kayo dumating, I asked Blaze to watch over her diet and sa exercise niya..” pagpapaliwanag nito.

“OMG. Overweight ka dati? Ang galing naman, hindi ko na-imagine kasi pagkita ko sayo, ang sexy mo talaga, yun ang nasabi ko..” mangha na sabi ni Marion.

“Maliit na bagay ulit. Hahaha joke. Oo, kaya swerte niyo at di kayo overweight, kundi naku, worst ang pagdadaanan niyo..” at natawa naman sila dun, pati si MF.

“Wag mo silang takutin Katy, ikaw lang talaga need magpapayat, haha. Buti na lang sexy ka na ngayon, kundi, baka binitawan na kita.. hahahah joke!” sinamaan ko naman ng tingin si MF dahil dun.

“Grabe talaga kayo sakin ha. Mahal na mahal niyo ko ha.” pagmamaktol ko, at natawa na naman sila dahil dun. “Ok na nga, alis na kami MF, thanks sa pizza! Hehe” ngiting sabi ko sa kanya.

“Alright. Nga pala, bukas ng 9am may photoshoot kayo ni Blaze. Remember yung friend ko, yung owner kasi ng isang clothing company, nagpapahanap sa kanya ng model, lalaki at babae daw, e naalala ka niya, kaya pinakita niya yung picture mo dun sa owner, e nahagip din ng mata niya yung picture ni Blaze, kaya kayong dalawa daw kukunin niya..” pag-explain nito.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon