Bored ako.. <---- (A/N) wahahaha

51 0 0
                                    

Chapter XIX

 

 

New year na naman, at naging mas lalong bumilis ang araw. Naging busy kasi kami sa school samantalang sila Kuya’s naman eh busy sa work.

Mas lalo atang dumadami ang fandom nila. Nagkaroon sila ng iba-ibang klaseng fans, may solo fans, at meron ding fans na kung sino ang nakakasama nila sa Music Video.

Ok naman sakin yun dahil nakakatuwa nga kasi malalaman mo kung sino-sino ang sumusuporta sa kanila.

Habang papalapit ng papalapit ang graduation namin, e kasabay din nun ang kaba namin dahil ide-debut na kami. MF told us that it will be on Knight Kisses Anniversary. Waaaah. Yung puso namin ayaw ng tumigil ka du dug dug hahaha.

Kung hindi kami busy sa thesis, busy naman kami sa practice.

“Are you ok?” lapit sakin ni Blaze habang nasa baba ako ng unit.

Gabi na nun at katatapos ko lang mag-jogging pa-ikot ng streets dito.

“Yep. Just felt tired..” sabi ko dito habang pinapakiramdaman ko yung pawis na tumutulo.

“You got this far baby, and I am really proud of you. Kaya niyo yan..” sabi nito na ginugulo pa ang buhok ko. Nakakatuwa na may Blaze ako na naniniwala sakin, samin.

May dumaan naman na mga teenagers na mukhang namukhaan si Blaze kahit na naka-hoodie ito. Napansin namin na nag-snapshot ito at dahil dun inaya ko na siyang pumasok ng gate. Mahirap na baka kung ano pang ikalat ng mga to.

“Oh Katy, mukhang nag-exercise ka ah..” sabi naman ni MF ng makasalubong namin.

“Naku, MF, mukhang worried po ata si Katy. Nakita ko dun sa baba..” sabay turo niya sa baba ng unit. “Akala ko nga pulubi eh..” sabay tawa nito.

“Makapulubi ka naman dyan..” irap ko dito. Ito naman ang natural namin so we don’t really need to pretend pagdating sa gantong scene.

“Ang gandang pulubi naman niyan kung ganon..” nakasunod pala si KJin samin.

“Truthfully KJin! Hahahaha..” at nakipag-high five pa ko sa kanya.

“Kumain ka na ba? Baka gutom lang yan..” nakakalokong tawa naman ni MF habang inaasar ako.

“Seriously? Ibu-bully niyo na naman ba ko?”nakataas na kilay ko, matakot kayo wahahaha.

“Oo na, maganda ka na.” sabi ni Blaze na bumaling naman kay MF. “Ako di pa, MF..” sabat naman ni Blaze.

“E bakit di ka pa kumain? Hala, kumain ka na dun sa cafeteria..” pabiro niyang utos kay Blaze. “Asan na ba yung mga girls, meeting tayo gusto niyo?” sabi nito sakin, na agad may tinawagan sa phone niya.

Inutusan naman ni MF na tawagin ang mga girls. Nandito kami sa meeting area namin.

Agad din naman silang dumating. Nagulat naman kami ng may dalang food si Blaze at Jin para samin.

“Because you will be having a meeting. Eto ang treat ng Knight Kisses sa inyo..” binaba nila ang food na dala nila saka sabay silang umikot ni Blaze saka nagflying-kiss na may kasama pang kindat. Pagka-ganyan naman ang mga seniors mo, mawawala talaga pagod mo. Hahaha.

Masyadong bright ngumiti ang dalawang to. No wonder kung bakit mahal talaga sila ng mga tao.

“Ah, tumawag pa naman ako sa Yellow Cab. Di bale, tawagin mo na din sila Loki at Zero para sumama na kayo dito sa meeting..”

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon