Chapter XIII
Dumaan ang mga araw ng mabilis, bukas na ang debut ng Knight Kisses at ang birthday ko. I want to be there sa debut nila, and pinayagan naman ako ni Mommy since gabi pa naman daw yung party.
Ngayon ang iisipin ko na lang e kung anong isusuot ko.
~beep beep beep~
“Hey baby girl, zup?” wow. Nitong nakaraan naging busy sila na bihira na nila ko makausap, lalo na si Kblaze. Dahil siya ang leader, mas hands on siya at double dapat ang effort niya dito.
“Yo! Ok lang, eto thinking about what to wear tomorrow.. any suggestion?” sagot ko dito.
“Hmm. Couple shirt with me? Haha kidding. Yellow shirt meron ka?” tanong nito.
“Yep. Gusto mo magsuot ako ng yellow shirt? Favorite mo yun, di ko favorite yun..” sagot ko.
“I thought you’re going to support us? Bakit ayaw mo mag-yellow shirt? :(“ reply nito.
“Alright, pero you have to wear pink hahaha.. . *wink*” sagot ko habang nangi-ngiti sa naiisip ko.
Nagulat naman ako nung biglang magsalita si Bei.
“K, mukhang nangi-ngiti ka dyan ah? Kinikilig?” tanong nito habang paupo sa ottoman na nasa tapat ng higaan niya. Ngayon kasi sa higaan niya ko nakahilata.
“Haha, wala noh. Natawa lang ako sa picture sa IG na nakita ko..” pag-tanggi ko dito.
“Sure ka? If I know si Kuya Blaze yan..” sabi nito sabay kindat sakin. Tumabi pa ito sakin, humiga at bumulong sakin. “Alam mo ba may pictures from dun sa clothing company yung lumabas? At mukhang may fan na agad kayo..” sabi nito at nakangiti pa sakin.
“Huh? Di ko alam yun ah..” hindi pa kasi namin nakikita yung lahat ng pics. And wala pa din yung magazine kung saan nila ipa-publish yung pictures, kahit yung tarp na ilalagay dun sa mga shop nila. Ang sabi next month pa daw.
“Yep. Ang dami nagke-claim na no. 1 fan daw sila ng loveteam niyo..” sabi nito na nag-nguso pa. “Pero hindi nila alam, ako talaga ang no. 1 fan niyo..” sabi niya na kinikilig-kilig pa.
“What? Ano ka ba? Pasaway ka. Wag kang maniwala sa ganyan. Bawal satin mag-date diba? Lalo na dito sa loob ng company natin..” explain ko dito na parang may kasama ng kaba kasi napapansin din niya.
“Ok lang yun. Secret lang..” sabi nito sabay kindat ulit saka inilabas ang dila.
“Haha, ewan ko sayo. Dyan ka na nga, matutulog na ko, napagod ako sa practice natin eh. Sila Marion at Clay ba tulog na? agahan natin tom ha?” sabi ko habang umaakyat na ko sa taas ng bunk bed.
“Yep. Haha. Mukhang excited na din sila eh. Sige goodnight K!”
Agad naman akong bumaling sa phone ko na ngayon e tadtad na ng message ni KBlaze.
“Bakit di ka na nagre-reply? Tulog na?”
“Yo!”
“Baby girl?”
“Hey!”
“I miss you!*wink*”
“Oo ba, pink lang pala. Basta para sayo. Kaso before and after na ng debut saka ko masusuot.”
Agad naman akong nagtype ng reply ko sa kanya. Nakakaloka, saglit lang ako kinausap ni Bei dami na agad message. At may I miss you pa. Excuse me, di ako kilig no. Wahahaha.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictieWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?
