Chapter XXX
Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako kung bakit ganto. Parang back to mutual feelings na naman kami pero this time ang hirap na ding i-decipher.
Nandito ako sa mall ngayon, naka-hoodie at shades habang naghahanap ng mabibili na damit. I just wanna chill. Yun lang.
Bigla namang nag-beep ang phone ko, pag-check ko tumatawag sakin si KJin.
“Hello? Nasan ka?” sabi nito sakin na parang nagwo-worry na nagmamadali.
“Bakit? Andito ko sa mall, malapit lang satin..” sabi ko dito. Kinakabahan ako dahil sa way ng pag tanong niya sakin.
“San mismo? Or can you stay sa isang place na wala masyadong tao?” sabi pa nito.
“O-ok. Sige. Dun na lang ako sa Max’s..” kung ano mang dahilan, dapat magtiwala ako. Kaya agad akong kumilos papunta ng Max’s, atleast dun hindi makakapasok agad ang tao, malaki pa so di ako makikita agad or mapapansin.
“Ok. Sige. Wag kang mag-alala, papunta na kami dyan. Wag kang aalis dun ha?” sabi naman nito.
Pagkababa ko ng phone, napansin ko na may mga taong papalapit sakin. Hindi naman nila ko sigurado nakikilala no?
OMG. Hindi nga pala ko naka-scarf. Shit.
Nagmadali ako ng paglakad hanggang sa nararamdaman kong nangangalay na yung paa ko.
“Si Katy nga!” sabi nung isang lalaki. Hindi ako lumingon at nagmadali pa ko sa paglakad. Naririnig ko sila. Hindi ko alam bakit. Pero naririnig ko din ang mga sinasabi nila.
“Katy.. katy! Totoo ba yung kumakalat…” sigaw nung isang reporter. Yes, reporter nga ang mga to. Kaya ba ko pinapag-stay ni KJin sa isang place?
Isang floor na lang, habang paakyat ako sakay sa escalator, nararamdaman ko na malapit na sila kaya lalo ko pang binilisan ang pag-akyat ko.
Natatakot na ko sa totoo lang, yung isa narinig ko pa.
“Katy! Tumingin ka! Totoo ba na may relasyon kayo ni Blaze? Totoo bang ilang taon na? bakit kayo nag-sinungaling?” sunod-sunod na tanong nila.
Mas lalong nakakatakot kasi biglang may humarang sakin na babae. Mukhang fan ni Blaze. Nung narinig nila na ako to at yung mga tanong ng reporter, halos kuyugin na nila ko at i-corner. Pigil ang iyak ko, kailangan ko magpakatatag, kung ma-corner man ako, bahala na. Pero tatakbo ako hanggang kaya ko. Dahil dun, binunggo ko yung babae na nakaharang sakin. “Sorry. Pero wag niyo kong harangan..” sabi ko dahil ayoko naman makasakit.
Agad kong nilagay ang earphone para makinig ng music. This way mas magiging focus ako sa pagtakbo.
Hindi ko namamalayan na may lalaki na pa lang malapit sakin. Bigla niya kong hinawakan. Nagulat ako kaya bigla kong tinapakan yung paa niya, pero naka-ilag siya. Tinanggal nito ang earphone ko.
“Katy, ano ba? Ako to..” sabi nito, tinignan ko yung lalaking may hawak ngayon ng kamay ko.
“B-blaze!” sabi ko dito. Umiiyak ako habang hila-hila niya ko papunta sa parking lot. May mga kasama tong mga body guards namin kaya medyo unti-unting nawawala yung kaba sa dibdib ko.
Napatigil naman ako dahil sa pagkirot ng binti ko.
“Bakit Katy?” takang tanong nito.
“Kanina pa kasi ko tumatakbo eh, mukhang napagod ata yung binti ko..” sabi ko dito. Tiwala naman ako na mahaharang ng mga body guards yung mga reporter kaya ok lang naman siguro na magpahinga muna ko.

BINABASA MO ANG
Hide and Seek
FanfictionWhat if your dreams are coming true? And habang inaabot yun, may isa ka pang dream na dumating.... the man of you dreams... but what if, under the circumstances, hindi kayo pwede? Will you choose your dream career or the man of your dreams?