Blaze POV

37 1 0
                                    

Chapter XXVIII

 

 

Blaze POV

 

Hindi ko alam na magiging ganto kami ni Katy. Na magkakaroon kami ng ganto kalaking gap.

Sa totoo lang hindi ko naman ginusto to eh. Sino ba namang lalaki na gustong iwan yung babae na mahal nila?

Pero ngayon mas mabuti na siguro muna to. Malaman niya kung gaano ko kahalaga. Kung gaano ko nahihirapan at nasasaktan.

Minsan gusto ko na lang mag-move on sa buhay ko pero hindi ko naman nakikita sarili ko na..

na hindi niya kasama..

Honestly, kung pwede lang dukutin ko na siya tapos ilagay sa bag ko, o kaya gawing keychain, o kaya iposas sakin para lage siyang kasama, e ginawa ko na.

Kaso hindi naman possible yun eh.

Kaya nga lahat ginagawa ko for her.

Everything na magpapasaya sa kanya ginagawa ko. Minsan kahit puyat ako at need matulog, pinipilit kong kausapin siya kasi nami-miss ko na siya kaso parang lage na lang siyang naiinis, nahihirapan. Sarap mainis diba? Pero iniintindi ko.

Siguro masyado na nga siyang naging spoiled.

Dependent.

Nasanay na lage kong nandyan.

Kaya ngayon na nangyari na to, hayaan ko na lang muna na mapag-isa siya.

Yung babae na sumagot ng phone ko?

Pinsan ko yun, sinadya ko na ipasagot yun, para mag-isip siya. Baka sakaling ma-realize niya na sa mundo, hindi lang siya ang nag-i-isang babae.

At hindi lang sa kanya pwedeng umikot yung mundo ko.

(Ahahaha napaka-liar ng dating ko kasi sa totoo lang, sa kanya naman talaga umiikot mundo ko hahaha..)

Hindi para saktan siya, pero para malaman niya ang possibilities..

na sa mundong ito hindi lang lageng siya, may iba pa.

Hindi ko alam kung tama tong ginagawa ko pero I want her to grow.

I want us to grow, separately, individually.

I want her to be matured. Enough for her to trust this relationship kahit hindi kami nagkikita lage.

Sabi nga ni Jodi Picoult sa Second Glance:

“Love meant jumping off a cliff and trusting that a certain person would be there to catch you at the bottom.”

So I want her to realize na kung gusto niya mag-work to, dapat mag-trust siya sakin na magwo-work nga to.

 

Kasi sa relasyon, hindi lang naman dapat isa lang ang nag-e-effort para mag-work yun. Kaya nga partnership yun, dalawa kayo sa lahat ng bagay.

Magtitiwala, magmamahalan at mag-iintindihan.

Hide and SeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon