Azalea's POV
Unang araw sa klase ay kinakabahan na ko. Paano kung may mga taong bully? Tsk! I don't care about them. Basta huwag nila akong pakialaman. Dahil makikita nila ang tunay kung ugali.
Hindi naman ako ganito dati, pero magmula ng mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente, doon ko natutunan ang lahat. Ang naiwan lang sa akin ay ang kapatid kong bunso na si Azan. Anim na taong gulang. Hindi man lang sila naawa sa kapatid ko? Wala ba silang puso para kunin sa amin ang mahal naming mga magulang? Aksidente daw ang lahat, pero I don't believe them! They're all Liars!
*Flashback*
Habang nagbabiyahe, ang saya nilang kumakanta. Nakaupo siya kasama ang bunsong kapatid sa backseat. Ang mga magulang naman nila ay nasa harap.
Maganda ang boses ng nanay niya pati ang ama niya. Kaya nagmana siya sa mga ito.
"Mom. Anong title nga ng kanta na iyan?" tanong niya sa ina niyang sumasabay sa kanta.
"Ah." Napalingon ang ina niya sa ama niya. "Hon, Ano nga ang title niyan? Nakalimutan ko eh." tanong nito.
Napailing na lang siya sa likuran. Ang ina niya talaga, hindi na nagbago. Makakalimutin kasi ito pero, naalala niya din pagkatapos.
"Ah. Tama. Ocean Deep." sagot nito.
"Ikaw talaga, Mom. Tingnan mo si Azan oh." sabay tingin dito.
Tumingin naman ang ina niya sa kapatid niya. Nang makita niyang sumasabay din ito sa kanta. Napangiti ang mommy niya.
Kaya napangiti na din siya. Masaya siya dahil masaya ang nanay niya. Lalo na ang ama at kapatid niya. Mahal na mahal niya ang mga ito. Baka mabaliw siya kapag may nawala ni isa dito.
Lumingon siya sa labas ng sasakyan . Nang biglang may isang sasakyan ang pinaharurot at biglang binangga ang sasakyan nila.
Agad siyang lumingon sa kapatid niya at niyakap ito.
And everything went black.Nagising siya sa isang silid. Mukhang alam na niya kung nasaan siya.
"Nurse! The patients is awake." sabi ng isang tao.
Agad niyang nilingon ang mga mata sa taong hindi niya kilala.
"Are you okay?" hindi siya umimik sa tanong nito.
Tiningnan niya lang ang isang estranghero sa gilid ng kama niya. May mga pumasok bigla sa kwarto niya sa hospital. Tama! Nasa hospital siya. Gusto niyang sagutin ang taong nagtatanong, pero hindi niya mabuka ang bibig niya.
Anong nangyayari sa kaniya?
"Are you okay?" tanong ulit sa kanya, pero ngayon ang doctor na ang nagtatanong sa kaniya.
"Can you speak?" tiningnan niya lang ang doctor na nagtatanong at kagaya kani-kanina lang ay hindi niya mabuka ang mga bibig niya upang magsalita.
Tumango lang siya.
"Her vitals are okay. Wala naman masiyadong naapektuhan sa mga internal organs niya. Ang naapektuhan lang ay ang kaniyang balat. Marami siyang sugat lalo na sa mukha niya at likod but she's fine. Makakalabas na siya after one week or two." sabi ng doctor.
Nakikinig lang siya.
"Thanks doc." ani ng lalakeng may edad na siyang nagtatanong sa kaniya kanina.
YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...