Chapter 20

5 5 0
                                    


Azalea's POV

          "Good. Then, I will call you later. Have a nice and long day." sagot ko at saka nauna ng magbaba ng cellphone.

Pagkatapos ay bumaling ako sa driver ng tricycle na sinasakyan ko ngayon. Oo nga pala, kasalukuyan pa din akong nasa loob ng tricycle dahil nga sa sobrang traffic. Ginagawa pa yata ang kalsada, kaya ang tagal umusad ng sasakyan na nasa harap namin ngayon. But, its okay. Malapit na din naman ako sa plaza.

           "Manong, dito nalang po ako." saad ko sa driver ng tricycle at saka inabot ang bayad ko sa kanya.

Agad naman niya itong kinuha. Pagkatapos ay lumabas na ko ng tricycle. Pagkalabas, huminga ako ng malalim at saka mabilis na tumakbo. Katulad ng ginawa ko nang nakipaglaban ako. 3 minutes lang siguro ay nasa plaza na ko. Habang tumatakbo ay inahanda ko na ang sarili kp para sa mangyayari mamaya.

Then, after 3 minutes ay nakarating na nga ko sa plaza. Hinihingal akong nagpalinga-linga sa paligid. Sa hindi kalayuan ay nakita ko agad si Rochelle. Kaya naman pasimple akong naglakad na parang wala lang. Habang naglalakad ay naka maintain pa din ang pagitan namin sa isa't-isa. Napadaan pa nga ko sa nagtitinda ng cotton candy at bumili nito. Siyempre, masaya kumain nito lalo na kung nagawa ko na ang bagay na yun sa kanya. Haha.

Pagkatapos makabili ay umupo ako sa isa sa mga upuan dito sa plaza at nanood ng mga palabas o kung ano pa mang ganap dito ngayon. Madami kasing tao eh.

After 2 minutes ay muli kong minanmanan si Rochelle. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan ngayon at saka nagtungo sa gilid ng plaza kung nakatumpok at naka palibot ang mga puno. Marami ding taong nakaupo sa ilalim nito at naglilim. Yung iba ay pamilya ang kasama, yung naman ay couples. Tsk! Bakit sa pagsabi ko ng couples ay naisip ko kaagad si Blue? Yan ang tanong ng inner self ko. Tsk!

By the way, may iba din namang nagp-picnic at ang iba ay talagang nakaupo o nakahiga lang. Mayroon ding may dala-dala pang drawing materials at gumuguhit ng kung ano. Pero, may isang naiiba sa kanila. Si Rochelle. Nakasandal kasi siya sa puno habang hawak ang cellphone niya. Nakatitig lang din siya sa screen nito. Kaya naman bago ko gawin ang aking plano ay naisipan kong tumawag sa kanya. Wala pang isang segundo ay mabilis na niya agad itong sinagot.

              "hello?" bati niya pa sa akin.

Hmmm... Mukha yatang naubusan siya ng sasabihin ngayon?

           "Hello, dear. What's with the long face? Don't worry, I will not make you suffer a lot. I will kill you for an instant. Oh, just kidding. Haha." sagot ko naman sa kanya.

Medyo mas hininaan ko ang boses ko ngayon dahil baka marinig niya ko. Ilang agwat lang kasi ang pagitan naming dalawa eh.

           "Where are you know?" simpleng tanong niya lang sa'kin.

          "Near you." simpleng sagot ko naman sa kanya.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Napadaan din ang tingin niya sa'kin, ngunit mukhang nilagpasan niya lang ako ng tingin. Haha. She's really stupid.

Maya-maya ay tumigil na din siya sa kakatingin sa paligid at umupo nalang sa ilalim ng punong pinagsasandalan niya.

          "Did you find me?" masigla kong tanong sa kanya. Hindi siya sumagot sa'kin. Dumaan pa ang ilang minuto at nauna na niyang i-end ang call nang hindi sinagot ang tanong ko.

Ako naman ang nagpalinga-linga sa paligid. Pagkatapos ay nakangiti kong tinahak ang direksyon niya. Nakasuot ako ng jacket ko ngayon na may hood. Kaya confident akong wala talagang makakakilala sa'kin.

Nang makapunta na sa puno kung saan siya nakaupo, umupo din ako sa kabilang gilid nito.

          "Hello? Yes. It's me. Whatever. Basta. Bantayan mo ang buong paligid. Tingnan mo kung may kahina-hinalang tao malapit o malayo man sa kinauupuan ko ngayon. I will definitely kill her." pabulong na saad niya.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now