Azalea's POVMga ilang sandali pa ang lumipas, kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya. Sakto naman pagkadating ni Azan na may bitbit ng first aid kit. Lumapit siya sa amin ni Mama.
"Here, Ma. Nasaan po ang sugat mo at gagamutin ko." Yan agad ang unang lumabas sa bibig ni Azan pagkaupo na pagkaupo niya sa katabi ng sofa na inuupuan ni Mama ngayon.
Nagkatingin kaming dalawa ni Mama dahil sa sinabi niya. Pareho ding sumilay ang ngiti sa aming mga labi ng makita ang itsura ni Azan.
"Azan, Doktor Azan. Yung dugo kanina na nakita mo. Ang totoo niyan ay hindi talaga yun galing kay Mama. Ang totoong taong may injury ay si Ate Azalea." paliwanag ni Mama kay Azan.
Natigilan ito at tila inuunawa ang pinaliwanag ni Mama sa kanya. Pagkatapos ay lumingon siya sa gawi ko.
"Ate, Nasaan po ang sugat mo?" tanong niya sa'kin.
Tumalikod ako sa kanila ni Mama para mas lalo nilang makita ang sugat sa likod ko.
Tinaas ko ang aking damit at pinakita na nga ang sugat ko dito.
Wala pang isang minuto ay narinig ko na agad na umiyak si Azan. Kaya naman agad akong napaharap sa kanya.
"Ate, kawawa ka naman po. Kailangan kana pong madala sa hospital. Kasi baka po... Baka po iwanan mo na din ako. *Sob* Ayoko pong mangyari yun!" umiiyak na wika niya sa'kin.
Muli kaming nagkatinginan ni Mama. Makahulugan akong tiningnan ni Mama.
"No, Azan. Hindi mangyayari ang bagay na yun. Ate will never leave you alone. So, don't cry. Okay?"
"But ate- Ah! I knew it! May gustong manakit sa'yo. Yung nabasa ko kanina, totoo yun di'ba ate? Sabi ko na nga ba eh. Dapat sinumbong na agad natin sa police para hindi kana nila nasaktan, Ate." sagot niya sa'kin.
Kunot-noong napatingin si Mama sa'kin. Lagot na! Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kasi kayang salubungin at sagutin ang nagtatanong niyang mga mata.
"Anak, Maaari mo bang sabihin sa'kin yung tungkol sa sinasabi ng kapatid mo?" wika niya pa.
"Ah, Ma. Wala po yun." mahina ang tinig na tugon ko sa kanya.
"Anak, please? Nag-aalala na talaga ko sa'yo. *Sigh* Sa tingin ko ay hindi na ko nagpapaka magulang sa'yo. Hindi ko lang alam baka hindi talaga magulang ang tingin mo sa'kin." saad niya pa.
Natigilan ako sa sinabi niya at ilang beses na umiling sa kanya.
"No, Ma. Hindi po ganon yun. Mahal ko po kayo ni Papa, pero..."
"Pero, Ano? Hindi naman talaga kami ang kadugo mo? Pasensiya na. Hindi na ulit kita tatanungin tungkol dito."
Parang karayom na tumutusok sa aking dibdib ng makita ko siyang napapakagat labi na. Isang senyales na pinipigilan niyang umiyak sa harapan namin ni Azan.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"I'm sorry, Ma. But I need to do this. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ako nakakaganti sa ginawa nila sa magulang ko. Pasensiya na po talaga, pero hindi niyo na ko mapipigilan ngayon." pahayag ko habang yakap-yakap siya.
Narinig ako siyang malalim na bumuntong hininga.
"*Sigh* Sige. Pero, sana makahinga ka ng malalim at makatawa pa ng tunay pagkatapos mong maghiganti sa kanila." may pagbabanta sa tono na sagot naman sa'kin ni mama.

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...