Chapter 7

13 6 0
                                        


Nang makarating ako sa school ng kapatid ko, hinatid ko siya mismo sa room niya.

"Ate." sabay tingin sa akin.

"Salamat sa paghatid. Okay na po ako dito." aniya sa akin.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Basta kapag may problema anong una mong gagawin?" paalala ko sa kaniya.

"Dial your number then press the call." ngumiti ako dahil alam kong memoryado na niya ang number ko sa phone.

"Nga pala. May load ka pa?" tanong ko.

Tumango naman ang kapatid ko.

"Hindi pa naman expired 'yong pina-unli mo sa akin, Ate. One month din kasi iyon. Tapos, hindi ko din masiyado ginagamit dahil wala naman akong tinatawagan. Maliban lang po kung magpapasundo na po ako sa inyo." ani ng kapatid ko.

"Good to hear that, baby. Sige alis na si Ate. Pakabait ka tapos," ani ko na may ngiti.

"Always listen to the teacher." siya

"Good. Sige bye." Sabi ko at agad na tumalikod at umalis.

Nang lumingon ako kumaway ako at kumaway din ang kapatid ko. Nang matapos ay nakita ko siyang pumasok na sa kanyang room at agad na umupo sa upuan na para sa kaniya.

My dear Azan. My only brother. Hangga't narito pa si Ate, Ate will always protect you no matter what. Tumalikod na ako ulit at naglakad palabas ng school nila at nagtungo sa university na pinapasukan ko.

Sumakay ako ng tricycle patungo do'n. Kung saan ang mga mafia at gangster ay totoo. Nang makarating ako do'n ay agad akong nagbayad sa driver ng tricycle.

"Sige hija. Alis na ako at ikaw ay mag-ingat." aniya at dali-daling pinaharurot ang tricycle niya. Tsk. Takot siya.

Pumasok na ako at nakita ko ang guard na nakatayo at tumingin sa akin. Pinakita ko ang Identification Card ko at agad niyang binuksan ang gate. Tsk. Takot ang driver kanina. Sino ba naman ang hindi matatakot kung makakita siya ng gangster at mafia live. Pero, ako hindi natatakot. They are human too, so why would I scared of them? I have only one mission in this world. Destroyed those people who killed my parents and I will do anything to make it happen. Even if my own life will defray. Oh. I am not crazy you know? I won't let that happen even if my own life will defray. No way in hell. I will win this battle. No matter what. Because our life will at stake. My dear brother life will at stake and our new family will at stake too.

Naglakad ako patungo sa klase ko. Nakita ko si Blue na nakatingin sa akin na may ngiti sa labi. Ano naman kaya ang nakain ng isang 'to? Tsk. Nakita ko siya kanina sa scene do'n. Alam kaya niya kung saan ang bahay ko? Dumiretso na ako sa upuan ko.

"Hi." bati niya sa akin nang hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi.

"Hello." sagot ko naman.

"Kumusta?" tanong niya.

Dapat ko bang sagutin ang tanong niya?

"Okay lang. Ikaw?" tanong ko.

"Ayos lang din naman. Ito, buhay pa at humihinga." aniya.

Ay, pilosopo ito. Gusto ko siyang bagsakan ng bato na may nakadikit na mga matutulis na bakal. Sarap din siyang ipalapa sa buwaya na si lolong. Ngumiti lang ako.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now