Azalea's POVMadaling araw pa lang ay gising na ko. Bukod kasi sa masyado akong excited sa laban, kailangan ko ding maghanda at maisaayos ang sarili para sa magaganap na laban. Kailangan kong maging malakas in physical o mental man. Hindi din pwedeng pairalin ang malambot kong puso sa laban. Ang pairalin ang dating ako.
*Smirk* Ito na nga ang tamang panahon para makaharap ko sila.
4:30 ng umaga, bago umalis ng bahay ay nag-iwan ako ng note para sa kapatid ko. Nilagay ko doon na huwag siyang aalis ng bahay hangga't wala ako. At kung may kailangan siya ay hintayin na lamang ako bago bumalik. Nandoon na din naman ang mga pagkain kapag nagugutom siya. Ang kailangan nalang niya ay iluto iyon. Marunong naman siyang magluto eh.
Alam ko naman ding mapagkakatiwalaan ko ang kapatid ko. Kaya alam kong susundin niya ang lahat ng bilin at paalala ko sa kanya.
Napabuntong hininga ako ng maisip ang kalagayan ng kapatid ko.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa kanya once na makilala na ko sa mundo ng mafias. Maaaring gamitin siyang alas para sa akin o ang pinaka nakakatakot na mangyayari ay patayin siya. Patayin ang nag-iisang kadugo at mahal ko sa buhay. Sana, sana hindi mangyari ang bagay na yun. Kaya ngayon pa lang ay maghahanda na ko.
Patawad, Azan. Dahil sa akin, wala ka man alam, ay nasa piligro na din ang buhay mo.
Back to reality. Kasalukuyan ako ngayong tumatakbo papunta sa lugar ng laban. Tumatakbo talaga, dahil hindi ako pwedeng sumakay at ihatid ng isang ordinaryong tao. Maaari niyang malaman ang totookong buhay, bahay, at iba pang impormasyon na maaaring magamit ng kalaban laban sa akin. Siyempre, sa pagbaba ko pa lang sa sasakyan na yun. May makakakita na ng ibang mafias, gangsters sa paligid at tatakutin na agad ang kawawang driver laban sa akin. Para lang malaman ang bagay na tungkol sa pagkatao ko. Masisira pa tuloy ang plano ko.
Iniisip ko nalang na physical practice ko na din ito at hindi ba, maganda daw ang tumakbo sa umaga?
Yun na nga. Tumatakbo pa din ako hanggang ngayon. Dahil kung hindi ko pa nasibi, kilometro pa ang layo sa bahay namin papunta sa lugar ng laban namin.
Tsk! Of course, I can do this one too. Kung madali akong mapapagod, paano pa ko makakatagal sa laban?
Habang tumatakbo ay may nadadaanan akong mga sasakyan at iba pang tao na naglalakad. Lahat sila ay napapatingin sa'kin at naiiwang nakanganga at hindi makapaniwala dahil nga sa bilis kong tumakbo.
Tss. Ano pa bang bago doon? Malamang ay mga ordinaryong tao lang sila kaya ganyan ang mga nagiging reaksyon nila.
Nasa nasa kala gitnaan na ko ng aking pagtakbo nang tumunog ang aking cellphone. Pinagpatuloy ko pa din ang pagtakbo. Subalit, hindi na kasing bilis katulad kanina.
Kinuha ko ang aking cellphone sa aking pocket at tiningnan kung sino ang nag message sa aking account.
"Hoy! Akala mo kung sino ka. Ang pangit mo naman eh. Ako pa talaga ang binangga mong pangit ka. Humanda ka sa'kin. Tandaan mo. Iisa lang tayo ng school na pinapasukan, kaya ano mang oras ay kaya kitang patayin."
Muling sumilay ang ngiti sa aking labi. Isang devilish na ngiti. Ang lakas naman ng loob niya para bantaan ako. Well, oo nga pala. Hindi pa niya nga pala ako kilala.
Tss. Ayoko ng isipin ang tungkol diyan. Dahil sagabal lamang yan sa aking mga plano. Kung babanggain niya ko, then come. I will not going to say don't me. Why not try me and see what will happen?

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...