Daike's POV"Hindi niyo ba talaga nakita kung sino ang gumawa nito sa kanya?" may pagbabanta sa tonong tanong muli ng aking ama sa mga walang kwenta niyang tauhan.
Ang mga ito ay nakayuko lang at hindi man lang kayang tingnan sa mata ang kausap. Alam kasi nila kung paano magalit ito. Ang sinasabi kong galit ay hindi basta galit lang. Isang uri ng galit na kahit gumalaw lang siya o tumayo ay kikilabutan kana.
Samantala, muli siyang lumingon sa gawi ko at tinitigan ako ng ilang minuto.
"At ikaw... Bakit hindi ka sumasagot sa akin? Sino ang gumawa niyan sa'yo?! Ganyan kana ba kahina para masaktan ng isang tao na mas mababa pa sa'yo?!" sigaw sa akin ng aking ama. Subalit, nanatili pa din akong walang kibo sa kanya.
Blanko lamang ang aking mukha habang nakatingin sa kung saan. Nagbabalik sa aking alaala ang lahat ng nangyari ilang oras pa lamang ang nakakalipas. Hanggang ngayon ay paulit-ulit kong binabalikan ang mga tagpo na yun. Kung saan nakilala ko ang tunay na pagkatao ng isang babaeng naka maskara. Hindi pala. May suot man siyang maskara o wala, nananatiling tago ang pagkatao niya. Ni hindi ko nga alam kung ano ba talaga ang totoong pangalan niya. Ni hindi ko nga alam kung alin ang totoo at kasinungalingan sa lahat ng oras at araw na pinapakitang pagkatao niya sa'kin.
Ganon pala. Kaya pala bigla nalang nagbago ang pakikitungo niya sa'kin nang araw na yun. Kaya pala bigla nalang niya kong hinalikan nang araw ng may makita akong petals ng blood flower na nalalaglag sa likod niya. Sa kanya pala talaga iyon.
Ngayon alam ko na. Alam ko na, pero... Pero, bakit ang hirap tanggapin ang katotohanan? Ang tanga ko lang. Ang tanga-tanga ko lang para magpaloko sa kanya. Ang tanga ko lang para maniwala sa kagaya niya. I hates her now! Even though my heart breaks into pieces because of her.
Sinaktan niya ko in physical. Pero, bakit mas masakit ang pananakit niya sa akin in emotional.
"Daike, nakikinig ka ba sa'kin?!" Biglang may lumipad na kutsilyo sa direksyon ko. Pero, kahit one inch na kinauupuan ko ngayon ay hindi ako gumalaw.
Nagbago ako ng dahil sa kanya, pero... Sa tingin ko ay tama lang ang aking ama sa sinabi niya sa akin noon. Happiness while living to this cruel world is just a fantasy. 'Cause there's no such thing as that.
Tumayo ako habang blanko pa din ang expression ng aking mata. Ang mga tauhan naman ng aking ama ay napatingin sa gawi ko.
"I will find the girl and the kid now." walang emosyon kong pahayag sa kanila at saka nagtungo sa pinto para lumabas na sa madilim na kwartong ito.
"Pero, hindi ka pa magaling sir Daike. May sugat ka pa sa'yong tagiliran." pagpipigil sa akin ng isa sa mga tauhan ng aking ama.
Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. Isang nakakakilabot na tingin. Nararapat lang sa kanya ito dahil pakialamero siyang tao.
"That's good, then. Mabuti naman at marunong kanang sumunod sa pinag-uutos ko ngayon. Sana ay alam mo na din kung anong posisyon mo sa mundo ng mga mafia." wika naman ng aking ama.
Tsk. Wala talagang pakialam sa iba ang aking ama. Pareho lang sila ng taong yun. Pareho lang silang mamamatay tao at manggagamit pa ng tao. Wala silang pakialam kung may nasasaktan na silang tao.
Hindi na ko pinigilan pa ng tauhan ni ama dahil siya na din naman ang gustong-gusto na makaalis ako ngayon. Tss.
Nang makaalis na nga sa madilim na kwartong yun ay nagtungo naman ako sa aking silid at kinuha ang laptop ko. Pagkatapos ay nagdire-diretso na kong umalis ng pamamahay na yun. Habang naglalakad sa kung saan ay tinawagan ko ang kaibigan kong si Shi.

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...