Third Person POVHabang kumain sila Azalea ay hindi niya maiwasan na hindi kabahan. Akala niya hindi siya napapansin ng Nanay niya. Panay ang tingin ng nanay niya sa kaniya. Kumakain ito, pero si Azalea ang nakikita nito. Nakikita ng Nanay niya na may problema siya. Sasabihin niya ba o hindi? Ang plano pa naman niya ay magsulat na lamang at iiwanan sa may sala nito. Pero, ang pangit naman no'n. Aniya sa isip.
Pero, baka kasi hindi siya payagan. Paano na ang meeting mamaya sa mafia? Kailangan na niyang sabihin. Kung marinig man ng kapatid niya ay ayos lang.
Tsaka, sasabihin lang naman niya na aalis siya at gabi na siya makakabalik. Ano ang gagawin niyang reason? Na may gagawin silang project? Ganon? Tsk. Lumang style na iyan. Palusot ng mga taong walang ginawa sa buhay kundi maglakwatsa. Hindi naman siya maglalakwatsa eh. Importante lang talaga ang gagawin niyang iyon. Ano kayang sadya ng mga ugok na mga taga mafia at bigla na lang silang pinatawag?
"Nay." sambit niya.
Binaba niya ang kubyertos niya.
"Hmm..." anito at binaba din ang kubyertos.
"Pwede po ba akong umalis?"
Huminga ito ng malalim. Pagkatapos ay uminom ng tubig. Nakayuko lamang siya habang naghihintay ng sasabihin ng ina niya. Kailangan niya itong mapapayag.
"Azalea." sambit nito.
Tumingin siya sa mga mata nito. Napatingin ito sandali sa kapatid niyang kumakain pa. "Mag-uusap tayo pagkatapos nating kumain." anito. Tumango siya at muling kumain ulit. Kailangan niya talagang mapapayag ito. Makulit din siya.
"Ate, saan kayo pupunta?" tanong ng kapatid niyang kumakain din.
Tumingin siya dito at nginitian ang kapatid. Binaba niya ang kaniyang kubyertos at pinatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng kapatid.
"May aasikasuhin lang si ate. Pagkatapos, babalik din ako agad. May gagawin lang si ate sa medyo malayo. Babalik si ate, okay? Di'ba? Di'ba may tiwala ka kay ate na babalik ako?" tumango lang ang kapatid niya at may namumuo ng luha sa mga mata nito, pero pinipigilan lamang nito.
Kahit siya gusto ng maiyak pero, pinigilan niya lang. Babalik siya. Iyan lagi ang nasa isip niya. Babalik siya para sa pamilya niya. Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa pamilya. Ang pamilya niya ang lakas niya. Kaya gagawin niya ang lahat magtagumpay lang ang mga plano niya.
Nang matapos silang kumain ay pumunta na si Azan sa kwarto nito. Siya naman ay tinulungan ang ina sa pagliligpit. Tahimik lang ito. Siya din naman, hindi niya alam kung saan magsisimula. "Azalea." sambit ng ina. Napatingin siya dito at tumango. Nilagay muna nila sa lababo ang ang pinagkainan. Pagkatapos ay pinunasan ang mesa. Nang matapos ay umupo ang nanay niya sa silya at siya naman ay umupo sa tabi nito. Huminga siya ng malalim. Kaya niya ito. Kakayanin niya para sa pamilya niyang umaasa sa presence niya.
Humarap ito sa kaniya at hinawakan ang kamay niya. "Alam ko naman na hindi ako ang tunay mong ina, pero mahal ka namin ng daddy mo." anito sa kaniya sa garagal na boses.
"Mahal na mahal din po kita, Mama." aniya habang bumabagsak ang luha na kanina pa niya pinipigilan.
"Mahal na Mahal ko po kayo ni daddy. Nagpapasalamat po ako dahil kayo ang nakakita sa amin. Kayo ang nagbigay ng pangawalang pagkakataon na mabuhay po ulit kami ng kapatid ko sa mundong ito. Kayo na po ang pumuno sa pagmamahal ng mga magulang ko na nawala na ngayon. Kayo na po ang mga magulang ko. Kayo na ang nanay ko. Mahal na mahal ko po kayo." aniya at umiiyak.

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
БоевикAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...