Chapter 2

23 6 0
                                        


Azalea's POV 

        "Hala! Sino ang babaeng iyan? Ang ganda niya diba?" narinig kong sabi ng mga mag-aaral.

Napalingon naman ako sa mga iyon at ngumiti. 

        "Wow! Pare nginitian tayo! Langya!"

Pero, nag-iba agad ang expression ng mukha ko. Naging blangko ito. Dahil isa lang ang kailangan ko. Kailangan kong pag-aralan lahat. Pati ang expression sa mukha. Kung kailangan kong maging blangko, gagawin ko. Para ito sa kapatid at sa mga magulang kong namatay ng walang laban.

Tiningnan ko ang schedule ko at nalaman kong wala akong klase. Kaya napagdisisyunan ko na pumunta muna sa garden. Total maaga pa naman. Kailangan ko din na makaidlip dahil kulang na naman ako sa tulog kagabi dahil napanaginipan ko na naman ang mga magulang kong humihingi ng tulong sa akin. 

Habang naglalakad ako patungo sa garden, may mga nagchis-chissmissan sa tabi-tabi. Same as usual at ako na naman ang topic ng mga ito. 

Wala na talagang bukam-bibig ang mga tao kundi ang pangalan ko. Ang ganda kasi ng pangalan ko. I am wearing my evil smile this time while walking. Ramp like a model.
Nang makarating ako sa garden ay may mga estudyante na tumingin agad sa akin. Tiningnan ko lang sila at agad na silang tumayo. Siyempre. Kailangan silang tumayo at umalis dahil sa pwesto ko sila umuupo. 

           "Sorry, miss Azalea." 

I'm just looking at them wearing my blank face now. Yes. Them. Tatlo sila. Isang bakla at dalawang babae. May upuan kasi dito and I am so comfortable here. 

May puno kasi, at hindi siya mainit. Kapag nandito ako walang pumupunta dito sa garden. Agad kong nilapag ang aking bag sa upuan at humiga. Maaliwalas ang lugar na ito. I like it here. Nang tingnan ko ang kalangitan ay medyo makulimlim. Mukhang uulan pa yata.

Nakapantalon ako at off shoulder na damit. Kulay itim at mas lumabas ang aking kaputian. Dahil maputi ako kaya mas naging maputi pa ako sa suot ko.

Kinuha ko ang libro ko sa susunod na klase at ako'y magrereview na lang muna. Total may dalawang oras pa ako. Kinuha ko din ang cellphone ko and nag set ng alarm.

Habang nagbabasa ako ay may isang patak ng tubig ang napatak sa libro ko. Hindi pa naman umuulan ah? Nang tingnan ko ang paligid ay nakaramdam ako ng ibang presensiya.

Kaya agad akong lumingon do'n. Nang tingnan ko ay isang lalaking nakatayo sa taas ng puno. Kaya agad akong napabangon. 

         "Hoy!" sigaw ko sa kanya. 

Napalingon naman siya sa akin. 

         "Hoy ka rin! I have my name, you know." sigaw din niya sa'kin.

Tiningnan ko siya ng masama. Ang tubig pala na pumatak ay galing sa tubig na iniinom niya. Akala ko naman ihi na eh. Tsk!

         "Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko sa taong estranghero. 

Hindi naman ako sinagot ng mokong. Tsk. Kaya pinabayaan ko na lang siya. Tsk. A weird guy. Umupo na lang ako ng maayos at binasa ang libro. Gusto ko makakuha ng marks na one, dahil gusto ko ako ang mangunguna sa kanilang lahat. 

I don't have friends here in the university. I don't need them. Dahil ayaw kong magkaroon ng mga sagabal sa plano ko. Naramdaman kong bumaba ang lalake. Now I am wearing my blank face again. I look at him. He's looking at me too. Nakakunot ang noo niya.
Siguro nagtataka ito kung bakit ako mag-isa? Oh, well. That's me. Blood flowers don't need friends. I want revenge! I don't care about them. Umupo pa siya sa tabi ko. Tiningnan ko lang ito.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now