Chapter 14

3 4 0
                                    


Azalea's POV

Habang nakatingin ako sa mga naglalaban malapit na din ang laban ko. Ilan na lang kaming naiiwan dito. Ang iba, patay na. Ilang panalo na ba ang nagagawa ng panghuling kampiyon? Siguro, nakapatay na siya ng anim. Tibay din, pero malapit na din siyang babagsak dahil pagod na din ang utak pati ang katawan niya para depensahan ang panalo niya.

Kaya kaya niyang umabot sa turno ko? Baka naman, hindi pa ako nakakatuntong ng field eh natumba na siya dahil sa dami na din ng sugat na natatamo niya. Tsk. Utak.

Tama lang na ako ang panghuli sa pila. Madami pa akong oras para mapanood ang mga laban at pag-aralan ang mga galaw nila. Mabuti na lang din at iniwan ko ang cellphone ko sa bahay. Ang problema ay kung ginalaw iyon ng kapatid ko. Pero, imposible. Hindi niya iyon gagalawin dahil na din sa may password ang unlock no'n.

Ginawa ko 'yon para hindi magalaw ng kahit na sino. Ako lang din ang nakakaalam ng password no'n. Tsaka may TV at may gadgets naman ang kapatid ko. Ako ang gumagawa.

May Facebook at Instagram din siya, pati na din Twitter. Pero, dahil nga nagtatago kami, we need a face na hindi nila makikilala. Minsan mata lang or mga view ang ina- upload namin sa Facebook. Minsan mga hayop.

Dahil bawal iyon sa kaniya. Ako nga minsan gumagamit ng account niya na dapat hindi kasi, private iyon. Pero, dahil nasa elementary pa lang siya, kailangan ng guidance. Mahirap na ma- cyber bullying.

Baka hindi kayanin ng kapatid ko. Iyong ibang napapabalita sa mga ganyan ay nagpapakamatay. Huwag naman sana. Alam ko naman na matalino siya, pero mahirap ihandle ang bullying. Kahit cyber bullying man iyan. Nakakasakit pa din iyan ng kapwa, and speaking of nakakasakit. Ayon bulagta na naman.

Ubos ng dugo ang kinamatay niya at pati pukpok sa ulo ng martilyo. Hanep! Bakit hindi ko napansin ang martilyo na iyan kanina? Pero, hindi naman kasi ako kumukuha ng mga bagay na  hindi ko masiyadong magagamit.

Siguro nakakapatay ang martilyo pero, mabilis lang kasi iyan. Putulin mo kamay niya. So, tapos ang laban. Ano kayang magiging hatol? Parehong patay ang manlalaro sa ring eh.

Pero, mukhang alam ko na. Base sa nakikita ko ngayon. Kailangan ulit maglaban ng dalawa sa unahan at manalo para maging champion.

Iyon nga ang ginawa. Dahil naging quits na ang laban nung nauna pa. Parehong patay eh. Nanalo na sana iyon kaya lang natumba at naubos ang dugo. Kawawang nilalang.

Mas magiging kawawa ako kapag ako ang namatay. Paano na ang kapatid ko? Paano na ang mga plano ko? Hindi ako titigil hanggang hindi ko makukuha ang hustiya na para sa amin ng kapatid ko.

Naglalaban na sila. Sumugod ang isa at ganoon din ang kalaban. Dahil may maso siyang dala ay agad niyang binuhat iyon at minaso ang kalaban pero, agad naman itong nakailag sa ginawa naman ng isa.

Pulido siya kung gumalaw. Daig pa ang isang babae. Nang ang isa na naman ang humanda na sa pag-atake ay agad itong tumakbo at tumalon ng mataas.

Sinipa nito ang mukha ng lalakeng kalaban at natumba ang kalaban. Hindi na siya nag dalawang isip na patagalin ang laban. Kinuha nito ang lagare at agad na nilagari ang kamay ng kalaban. Tsk. Pwede naman niyang diretso ang leeg.

Mukhang iyon nga ginawa nito. Nilagari ang mga kamay para matamaan ang sakit. Sadista din. Pagkatapos no'n ay sumigaw ang lalake dahil sa sakit pero, agad din pinutol ang leeg. Tsk.

Ayon ang mga dugo. Tagas na naman. Ang dami na tuloy bangkay. Agad na naman kinuha ng mga bantay ang namatay. Ang dating puting ring, ngayon ay pula na dahil sa dugo.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now