Third Person Point OF View"Dahil tapos na laban, may mga kagrupo ka na at ang Spider iyon." ani ng matanda sa kanilang lahat.
Masaya ito sa naging results ng lahat. Ang laki nga ng ngisi niya dahil dito eh. Ewan ba niya. Basta masaya siya dahil ang leader mismo ng Spider ang napatay.
Dapat matagal na nilang ididispatsa ang taong iyon eh. Kaya lang, hindi siya pwedeng galawin hanggang hindi pa nagsasabi ang hari ng mga hari. Naiinis kasi sila sa grupo ng Spider dahil may mga bagay itong kinukuha sa lugar kung saan nila nilalagay ang mga armas na para ibenta sa mga buyer na mayayaman. Kaya lang, imbis na patayin ay ginawa nila ang palarong ito.
Si Daike ang naatasan sa larong ito. Siya din ang gumawa ng rules dito. Kaya nagpapasalamat na sila sa bagong nanalo. Dahil hindi na sila ang magbabayad ng kasalanan ng leader ng Spider na iyon.
Isa lamang siyang tauhan ng hari ng mga hari. Sinusunod lamang niya ang mga utos ng mga ito. Hindi siya pwedeng pumatay ng taong walang kinalaman sa death list. Pero, ang hindi pa din nila nagagawa hanggang ngayon ay ang mahanap ang mga anak ng Smith.
Sa dami ba naman na Smith sa Pilipinas at sa ibang bansa ay sigurado siyang mahihirapan nga sila na matukoy kung sino ang tao na iyon. Isang dalaga at isang bata lamang ang hinahanap nila. Baka nga patay na ang mga iyon eh.
Ang hinala nila ay baka wala na talaga iyon. Pero, ang sabi kasi ng hari ng mga hari ay kailangan nilang makita ang mga iyon sa lalong madaling panahon.
Paano nga nila mahahanap? Saan sila magsisimula? Baka nga naghahanap na sila ng taong walang buhay eh. Baka nga agnas na ang mga iyon. Alangan naman na patayin nila lahat ng may apileyedong Smith. Baka sa kulungan ang bagsak nila.
Samantala,
Si Azalea ay pasimpleng nakatingin ng masama sa mga matatanda nang hindi nito napapansin. Mabuti ng gano'n. Agad na binalik ni Azalea sa blank eyes ang mga mata niya. Dahil dito, hindi malalaman ng mga tao na kung ano ang iniisip niya.
Mabuti ng gano'n kesa naman paghinalaan siya, diba? Kanina pa nga siya naiinip eh. Gusto na niyang umuwi at matulog sa bahay nila. Gusto niya ng malinis ang bahay nila baka kasi, kapag umuwi ang mga foster parents niya na wala siya do'n sa bahay ay lagot na naman siya. Baka kasi daw, makita siya ng mga naghahanap sa kanila at dalhin siya kung saan.
Mahal niya din ang mga foster parents nila, dahil na din sa nagtatrabaho ang mga ito para lamang matustusan ang mga pangangailangan nila ng kapatid niya.
Sabado pa naman daw ngayon at sigurado siyang uuwi ang mga iyon. Binibigyan sila ng panggastos ng kapatid niya sa tuwing wala ang mga ito sa bahay nila.
Tumingin lang siya sa paligid at agad na hinanap ng mga mata niya si Blue. Nakita niya itong may ibang kaakbay na babae. Nakabikini pa at may hawak si Blue na cellphone. Sino kaya katext ng mokong na ito.
Hindi maipinta ang mukha nito. Parang problemado kumbaga. Pero, wala diyan ang gusto niya. Dahil ang gusto niya ay umuwi ng maaga at matulog. Dahil kapag hindi pa nagamot ang sugat niya, may pasok pa naman sila sa lunes at sigurado siyang magkakaroon ng pasa ang gilid ng labi niya dahil sa sampal ng walang hiya.
Maya-maya ay muling nagsalita ang matanda sa harap nilang lahat. Pero, alam naman niyang hindi nakikinig ang mga kasama niya eh. Walang pakialam dito. Sarap daw kasing barilin ang mata ng matanda.
Nilibot niya ulit ang paningin niya at nahagip niya ang mukha ng leader ng nasa pangatlong pwesto. Mukhang may kalaban na naman siya. Tsk. Marami na siyang kalaban ngayon. Pero, alam niyang nasa kaniya pa rin ang alas dahil hindi siya pwedeng galawin ng mga iyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/160725404-288-k753388.jpg)
YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
AksiyonAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...