Chapter 5

15 6 0
                                    


Azalea's POV

Nang magising ako ay may mabigat na nakadagan sa aking kanang braso. Nang tingnan ko ay si Blue lang pala. Ginalaw -galaw ko ang aking braso para malaman niyang gising na ako. 

       "Blue." sambit ko sa pangalan niya. "Blue." sambit ko ulit.

Umangat naman ang ulo niya at agad na tumingin sa akin. 

       "Azalea. Salamat naman at nagising kana." ani nito sa akin.

       "Salamat sa pagbabantay sa akin." sabi ko at ngumiti. 

      "Sorry talaga. Sorry. Hindi ko alam na may allergy ka sa spices." sabi niya sa akin.

      "Kung alam ko lang na may allergy ka talaga. Hindi ko na pinalagyan ng spices iyong pagkain mo. Nakalimutan ko din kasing magtanong sa'yo. Sorry. Sa susunod hindi na talaga ito mauulit." 

Agad kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti. 

       "Okay lang. Hindi mo naman iyon sinasadya, di'ba?" sabi ko. Hindi pa din nawawala ang ngiti sa labi ko.

Mukhang hindi din naman niya napansin ang huling salitang sinabi ko. 

      "Nga pala. Nurse injected you a medicine for your allergy." tumango lang ako.

      "Thanks pala sa pagdala sa akin dito." sabi ko sa kaniya. 

      "Walang ano man iyon. Tsaka, dapat ko lang gawin iyon sa iyo dahil ako ang may kasalanan dahil sa spices." sabi ni Blue sa kanya na may malungkot na mga mata. 

      "Paano kung natuluyan ka kanina? Paano na ako?" sabi nito sa akin. 

      "Mawawalan na ako ng kaibigan dito sa University." malungkot pa din ang mga mukha niya.

     "Alam mo? Huwag mo nalang isipin iyon okay?" sabi ko sa kaniya. 

      "Wala ka naman kasalanan eh. Kaya huwag muna iyong isipin ha? Ikaw talaga." sabi ko at dahan-dahan na bumangon.

Masakit pa ang lalamunan ko dahil sa allergy ko. Tapos, medyo gutom na din ako dahil hindi man lang ako nakakain kanina dahil diyan sa letseng allergy na yan! Panira ng moment eh! 

       "Ah. Pwede ba makahingi ng tubig or pagkain man lang? Gutom at nauuhaw na din kasi ako eh. " sabi ko sa kanya. 

       "Sandali lang." sabi ni Blue sa akin at lumabas siya ng silid ko dito sa clinic. 

Tsk! Subukan niya lang lagyan ng lason ang pagkain or ang tubig sisiguraduhin kong babalik sa kaniya ang lason na nilagay niya.

Mahirap pang magtiwala sa kaniya dahil sa ginawa niya sa mga bangkay. Pero, may parte ng puso ko na hindi siya ang gumawa no'n. May parte din ng utak ko na hindi siya dapat pagkatiwalan dahil isa siya sa mafia. Isa sa mga kalaban ko.

Napakunot ang aking kilay nang biglang dumating si Blue. Ang bilis naman yata niya. 

       "Hi, Azalea." bati nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya ng pagkatamis-tamis.

      "Hello." bati ko pabalik. 

     "Ay. Ito nga pala ang pagkain mo." sabay bigay sa akin ng pagkain. 

Tinanggap ko naman ito. 

      "Salamat pala sa pagkain. Babayaran na lang kita." sabi ko. 

Sabay hanap sa mga gamit ko. "Ang gamit ko nasaan?" tanong ko.

Hindi pwedeng mawala ang gamit ko dahil nandoon ang mask ko na ginamit ko kanina. Iyon din ang ginagamit ko para maging blood flower. Hindi pwede! Hindi talaga pwedeng mawala iyon! 

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now