Chapter 10

10 5 0
                                    


           "Azalea, Okay kana ba?"

Yan agad ang bungad sa akin ni Blue nang magkaroon na ko ng malay. Mukhang nasa clinic na naman ako at mukhang si Blue na naman ang nagdala sa akin dito.

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

             "Mabuti naman. *Sigh* Bakit ba lagi kana lang napapahamak? Alagaan mo nga yang sarili mo. Sabi ng nurse, kulang ka daw sa tulog at dumagdag pa ang sugat sa palad mo. Kaya yan ang nangyari." sumbat ni Blue sa akin.

              "Salamat sa pagdala sa akin dito at sorry, Blue." nakangiting tugon ko sa kanya. Yung walang halong pagpapanggap.

Napansin kong bahagya siyang nagulat. May nakakagulat ba sa sinabi ko? Tsk! Tsaka I don't care about myself anymore simula nang mamatay sina Mommy and Daddy. That's why I'm not really afraid to death.

           "Bakit? Anong nakakagulat?" kunot-noo kong tanong kay Blue.

           "Ah, Wala naman. Blue nalang ang itawag mo sa akin. Medyo hindi ako sanay kapag Asul eh. Haha." sagot niya sa tanong ko.

Tumango lang ako sa kanya. So, pareho pala kami na ayaw magpatawag sa ibang pangalan. Well, wala namang problema dun.

             "Anong oras na nga pala?" naisipan kong itanong sa kanya.

            "Lunch break na. Kaya siguro kung gusto mo ay pumasok na tayo after lunch. Ibang klase naman yang katawan mo eh. Mabilis madapuan ng sakit, pero mabilis ding gumaling. Haha." sagot at biro niya pa sa akin.

Tsk! Hindi na naman ako naka pasok sa ibang subject.

             "Teka, sandali... Huwag mong sabihing hindi ka din pumasok para lang bantayan ako?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya.

             "Ganon na nga. Hindi naman pwedeng iwanan kita dito no. Kaibigan na kita, kaya dapat lang na bantayan kita at huwag iwanan." sagot niya.

Hindi ko alam kung bakit parang nag-init yata ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

             "T-Thank you ulit." nauutal tuloy na pasalamat ko ulit sa kanya.

I feel like I becoming to have a depth to him. Tsk!

              "Wala yun. Ikaw pa eh malakas ka sa akin eh." saad niya sabay kindat pa sa akin.

             "Ay, Oo nga pala. Hehe. Ang totoo niyan ay iniwan kita sandali para bumili ng pagkain natin. Para sa paggising mo ay sabay tayong kakain." pahayag niya.

Pagkatapos ay kinuha niya sa lamesa sa may tabi ng kama ang dalawang supot ng plastic bag.

            "Here. Hindi muna ako kakain. Baka kasi magkulang sa'yo yung binili ko. Kaya ibibigay ko nalang din sa'yo yung akin." saad niya pa.

Pagkatapos ay nilabas niya sa plastic bag yung mga binili niyang pagkain. Dalawang kanin iyon na may kasamang dalawang plastic ng adobong manok.

            "No. Let's eat together. Ikaw ang bumili nito. Kaya dapat lang na kumain ka din no." wika ko sa kanya.

            "Sigurado ka ba?" tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Medyo nailang na naman ako. Kaya naman sinaway ko siya.

             "Yeah. Alam kong may tiyan ka din na nagugutom na sa ngayon." tugon ko.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now