Chapter 18

2 3 0
                                        


Azalea's POV

             "Azan!" tawag ko sa kapatid ko.

Pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at hinablot ang cellphone kong hawak niya ngayon. Tsaka naman siya napatingin sa akin at nabigla pa nang makita ako.

             "Azan, hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag kang mangingialam ng gamit na hindi sa'yo? Lalo na ang cellphone ko?" may galit sa tono na sermon ko sa kanya.

             "A-Ate, bakit po parang kulay dugo ang nasa cellphone mo? Tsaka-"

             "Azan! Naririnig at naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?!"

Napahinto sa pagsasalita si Azan dahil sa pagsigaw ko. Nagulat siya at maging ako dahil sa tono ng boses na nakakatakot na pagkakasabi ko sa kanya.

            "A-Ate, s-sorry po." mahinang saad ni Azan habang nakayuko.

            "May ginalaw ka ba dito?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya sa'kin. Sinubukan kong pagmasdan ang kanyang mukha na tila ano mang oras ay iiyak na. Bumuntong hininga ako at saka muling nagwika.

            "Pasensiya kana. Sa susunod ay huwag mo ng gagalawin ang gamit ni Ate. Okay?" mahinahon ko ng saad sa kanya.

Tumango lang siya sa'kin at muli na naman niya kong tinitigan. Binuka niya ang kanyang bibig, subalit walang ano mang salita o ingay na lumabas dito. Hanggang sa sinara niya na ulit ito. Parang may gusto siyang sabi him sa'kin, pero hindi niya magawa. Nakailang ulit niyang ginawa ang bagay na yun. Hanggang sa bumuntong hininga ako at hinawakan ang nanlalamig niyang mga kamay.

Bakit kaya? Medyo kinakabahan na ko sa inaakto niya.

            "Azan, may gusto ka bang sabihin sa'kin?" nakangiti kong tanong sa kanya.

            "Kasi ate..."

Napansin ko ang takot at pag-aalala sa kanyang mga mata. Kaya nag-aalinlangan siyang tapusin ang bagay na nais niyang sabihin sa'kin kanina pa.

Ngumiti akong muli sa kanya at muling nagwika.

           "What is it, Baby? Tell me. Promise ko sa'yo, hindi ako magagalit." nakangiti kong pahayag sa kanya.

                "Ate, Kasi yung sa cellphone mo. Sabi ng tao d'yan ang pangit mo daw po at mamamatay tao ka daw. Ate, ano po ba ibigsabihin non? May mananakit po ba sa'yo katulad ng ginawa nila noon kina Mommy?" sa wakas ay nagawa na din niyang sabihin sa'kin. Subalit agad akong natigilan dahil sa sinabi niya.

Tiningnan ko kung ano nga ba ang nakalagay sa screen ng cellphone ko at naikuyom ko ang aking dalawang kamao dahil sa nakita.

Kung dati ay nagp-private message lang siya sa'kin at nas-send ng isang pangit na mukha na sinasabing ako daw yun, ngayon ay mukhang mas sumobra na siya. Bakit?

Well, ganito lang naman ang ginawa niya. Pinost niya yung sinend niya sa'king picture at tinag ako sa post niyang yun. Hindi lang yun. May ilang imahe pa na mga patay na tao. Blurb sa bahagi ng mukha ng tao. Kaya hindi din matukoy kung sino ang mga iyon.

Tama. Hindi lang iisa ang patay na tao na makikita sa picture. Marami sila. At sa post ding yun, nakalagay ang,

YAN ANG TOTOONG ITSURA NG MAMAMATAY AT PANGIT NA TAONG YAN. PUMAPATAY SIYA NG TAO DAHIL NAIINGGIT SIYA SA IBA NA MAGAGANDA. ANG KAPAL NG MUKHA NIYA. ABA! KUNG ALAM MO NA MAGANDA O DI KAYA AY GWAPO KA, MAG-INGAT KA SA KANYA. SINASABI KO SA INYO ITO NGAYON DAHIL AYAW KONG MAGAYA KAYO SA KAPATID KONG PINATAY NIYA. TSK! PANGIT KA! PANGIT! HINDI KANA DAPAT MABUHAY PA SA MUNDO!

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now