Chapter 28

27 6 0
                                        


Daike's POV

"You are stupid! I thought you are different from my stupid people, but you are also one of them!" galit na sigaw sa'kin ng aking ama.

Ako na nga ang sumunod sa utos niya, may gana pa siyang magalit para lang sa isang pagkakamali. Tsk.

"Tss. I just thought that she is the girl I am looking for. But, don't you feel happy just a little? Look. I bring the child and I'm sure na mahahanap ko na din ang isa pang taong pinapahanap mo sa'kin." walang gana kong sagot sa kanya sabay tingin sa dalawang taong nakagapos ngayon ang paa't kamay. Nakaupo silang dalawa sa sahig at walang malay. Nakapiring din ang kanilang mata at may panyo naman ang kanilang bibig.

Ang kaibigan ko naman ay tahimik lamang sa isang tabi at tila may kinakalikot na naman sa kanyang laptop.

"Tsk! At may gana ka pang sumagot?! You are the ace of our group! And you need to do your task ng walang pagkakamali!" sigaw naman niya sa'kin.

Nabigla nalang ako nang lumapat ang kamao ng aking ama sa aking ama. Ang kaibigan ko ay napatayo nalang dahil sa nangyari. Ang mga tauhan naman ng aking ama ay napayuko na lamang sa gilid at nanahimik. Natatakot na baka isa sa kanila ay mapagbuntungan ng galit ng aking ama at mapatay pa sila. Ako ay napa-smirk nalang at napapunas ng dugo sa aking labi dahil sa ginawa niya. Pagkatapos ay balik sa poker face ang aking mukha.

"Oh? Didn't I get your expectations? Well, I'm not really planning to become like you, anyway. But, don't worry. Idadala ko sa'yo ang isa pang tao na hinahanap mo as much as possible. Happy, now? At least nabigay ko kaagad sa'yo ang isa at may bonus pang kasama. Pero, pasensiya. Hindi ko ugaling mag-uwi dito ng taong duguan. Babago kasi ang pamamahay lalo kung gagawin ko yun." mahabang pahayag ko pa sa kanya na may pang-aasar pang tao.

Pagkatapos ay naglakad na ko papunta sa pintuan na kwarto para malabas. Medyo hindi ko kasi gusto ang nakikita ko ngayon. Naramdaman ko naman na sumunod sa akin ang aking kaibigan. Bago kami makalabas ay pinigilan pa ko ng aking ama.

"*Sigh*  No. You don't need to do that now. Just... just gather all the leaders again. We need to talk some important matter. Ofcourse, the new leader too. Blood Flower."

Natigilan ako bigla dahil sa huli niyang sinabi. What should I do? Kailangan ko bang sabihin sa aking ama ang nangyari tungkol kung bakit nagkaroon ako ng sugat? Pero, ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang salungat ngayon ang damdamin ko sa sinasabi ng utak ko? Ano nga ba ang dapat kong gawin?

"Hey, Daike..." Shi whisper to my ears. Kaya biglang nagbalik ang isip ko sa reyalidad.

"Okay."

Yan lang ang mga katagang lumabas sa aking bibig bago ako tuluyang makalabas ng kwartong yun. Dumiretso ako sa aking kwarto at umupo sa aking kama. Nakatulala lang ako at nag-iisip ng ilang bagay. Hindi ko naman alam na sumunod pala sa akin ang kaibigan ko at tinitigan lang akong nakatulala. Nang may mabuo ng pasiya sa aking isipan ay napabuntong hininga na lamang ako. I need to do this...

Azalea's POV

Pagkamulat ng aking mata ay agad kong nabungaran ang mga taong dumadaan ngayon sa aking harapan. Tsk. Umaga na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ko sa kalsada. Dito mismo sa batong inuupan ko kahapon pa. Naglakad ako at nagpunta sa isang convenience store. Bumili ako doon ng pagkain. May kaunting pera pa naman kasi ako na naitabi. Pagkatapos ay muli akong lumabas at nagtungo sa bato na inuupuan ko. Habang kumakain ay naisipan kong tingnan ang aking cellphone.

Pagkaopen na pagkaopen ko palang nito ay nagulantang na ko dahil sa dami ng missed call. At ang missed call na yun ay galing pa sa Mama ko. Napabuntong hininga ako dahil sa naisip. Tiyak na nag-aalala na yun dahil hindi ako umuwi ng bahay at hindi ako nagpaalam kung saan ako pupunta. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari ang pangyayaring yun. Hindi ko alam na masusundan niya ko at malalaman ang tunay na identity ko. Hindi ko alam na mangyayari agad ang isang bagay na kinakatakutan ko noon palang nang magkakilala kami. Naisip ko bigla ang kapatid ko. Tiyak na nagtatampo na sa akin yun at aakalain na naman na hindi ko na siya babalikan pa. Hindi ko alam kung kailan na ko ulit makakauwi sa bahay. Pero, gagawin ko ang lahat para matapos agad ang misyon na ito at nang makabalik na agad ako sa amin. Nang matapos kumain ay tiningnan ko naman ang mga text messages ko na marahil ay galing din kay Mama.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now