Chapter 9

5 5 0
                                        


Nang makatulog na ang kapatid ko, dahan-dahan akong umalis sa tabi niya at tahimik na naglakad patungo sa basement ng aming bahay.

Nagtataka ba kayo kung anong gagawin ko doon ngayong hating gabi? Well, doon lang naman ako nagsasanay para mas lalong lumakas. Dahan-dahan na nga akong bumaba sa basement namin at sa pagbaba ay iniurong ko ang lumang bookshelf doon. Tumambad sa akin ang isang pinto na may nakalagay na litratong 'M' sa itaas. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit mukhang mahigpit ang pagkaka lock dito. Hindi mo siya agad mabubuksan sa simpleng lock picking lang.

Napangiti ako dahil sa sitwasyon. Sa baba ng litrato nakasulat ang pangalan ng taong nagpagawa ng bahay nito noon. Ang taong unang nagmay-ari ng bahay na ito. 'Neil Nuevez' iyon. Muli kong tinitigan ang litrato. Napansin kong parang may kakaiba sa litrato. Kaya naman hindi na ko nagdalawang isip na hawakan na iyon.

Dahil doon, napansin ko na parang may nakaangat na onting bahagi ng litrato ng M. Sinubukan kong itulak iyon para pumantay sa iba pang bahagi ng litrato at nag tagumpay naman ako.

Bahagya akong nagulat nang matitigan ulit ang litrato ngayon. Kung kanina ay letrang 'M' ang makikita, ngayon ay naging letter 'N' na ito.

Napaatras ako nang may marinig akong ingay mula sa pinto. But at the same time, napangiti ako.

             "Tama nga. Letter 'N' nagsisimula ang pangalan ng may-ari ng bahay na to noon. *Smirk* Mukhang may dapat din akong malaman sa bahay na to."

Nang mawala ang tunog na naririnig ko mula sa pinto kanina, bumukas din ang pinto nito na akala ko ay mahirap ding buksan kanina.

Matapang at lakas-loob akong pumasok sa loob na ang tanging ilaw lang ay ang ilaw na nagmumula sa cellphone na dala ko ngayon.

Napaubo ako dahil sa alikabok sa paligid ng kwartong ito. Not to mention na sobrang liit din ng hallway dito. Pero kahit na ganon, nagdidiwang din ang aking damdamin dahil sa excitement kung ano kayang meron sa dulo ng hallway na ito.

Napahinto ako sa paglalakad nang mapansing pader na ang kaharap ko ngayon.

What?! Nagpakahirap ako tapos pader lang pala ang makakaharap ko? I'm wasting my time here. Don't ever fool around again, Azalea. Tsk! Naglakad nalang ako pabalik sa basement. Subalit bigla akong natisod at nadapa dahil sa isang bagay na nakaharang sa dadaanan ko.

Tsk! Kailan ka pa naging clumsy, Azalea? You are so stupid today! Inis nalang akong tumayo. Inis ko kinuha yung bagay na yun at nabigla ako sa susunod na nangyari.

            "Waaaah!"

Nakapikit lang ako habang nalalag sa kung saan. Tsk! Yung bagay pala kanina ay isang door knob! Sinong mag-aakala na may pinto sa sahig?!

Bumagsak ako paupo sa kung saan. Dinilat ko ang aking mata at namangha sa nakita.

              "Wow. Tama lang ang lugar na 'to para sa pagsasanay ko." yan talaga ang unang lumabas sa bibig ko.

You know what? Para akong nasa isang disyerto dahil sa buhangin na nasa paligid ko. Yeah. Panay buhangin lang talaga ang nasa paligid. Nice place to train, right?

Naglakad-lakad pa ko at naglibot sa paligid. Hanggang sa may nakita akong isang table. Sa table na ding ito ay nakapatong ang mga makakapal na aklat.

Hindi ko alam kung anong klaseng aklat ito dahil mukhang coded ang mga nakasulat dito.

Hindi ko na lamang ito pinansin at itinuon na lamang ang sarili sa pagsasanay. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang presence ng paligid. Pagkatapos ay inisip ko ang libo-libong gangsters and mafias na kunwari ay nasa harap ko ngayon. Inisip ko na lahat sila ay kalaban ko. Inisip ko din na may hawak-hawak akong armas ngayon.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now