Third Person POVNakagawa si Daike ng paraan kung paano nila makokontak ang bagong leader ng Spiders. Blood Flower ang tawag niya. Dahil na din sa ginawa nitong paglason kay Dos. Naagaw agad nito ang attention ni Daike.
Sino ba talaga ang Blood Flower na iyon? Aniya ni Daike sa sarili nang may bigla siyang maalala. Si Azalea, may nahulog na mga Blood Flower likod nito habang naglalakad sila. Saan naman ito galing? Galing kay Blood Flower? Siya na ba ang target ni Blood Flower? Si Azalea na ba ang isusunod nitong lalasunin?
Hindi niya kilala ang Blood Flower na iyon. Impossible din na iisang tao lang sila. Dahil nakita na niya ang mata ni Blood Flower. Magka-iba ang kulay nito. Tapos, kung tumingin sa kaniya ay wala itong buhay. Kahit magsabi ka pa ng mga matatamis na salita. Hindi ito maaapektuhan.
Iba kay Azalea na kapag nagsabi ka ng matatamis na salita, namumula agad ang mukha nito. Pagkatapos, natikman na niya ang labi ng dalaga. At hindi niya itatanggi na masarap sa pakiramdam. Gusto niyang matikman ulit ito. Pero, paano?
Ang ginawa lang naman ng dalaga ng araw na iyon ay isang napakalaking pagkakamali. Pero, pagkakamali na gustong-gusto niyang maulit. Kahit pa, ganoon lang sila habang buhay. Ayos lang. But, he didn't want to sacrifice Azalea's life. Her life is at stake. He need to protect Azalea. No matter what.
Lalo na kay Blood Flower. Tatanungin niya ito kung may nagbibigay ba ng bulaklak sa dalaga. Baka alam na ni Blood Flower na malapit sila sa isa't-isa? Pero, paano? Bago pa lang niya nakilala ito. Alam kaya ni Blood Flower na siya si Daike?
Alam kaya nito? Nakita kaya sila ng dalaga dati pa? Pero, paano? Paano sila nakita? Iyong time na magkasama sila? Iyong time na pupunta sila sa Mall at magd-date sana ni Azalea? Nakita kaya sila nang araw na iyon? Matagal na bang may nagbibigay dito ng ganon sa dalaga?
Huwag niyang sabihin na binili niya iyon sa kung saan. Dahil minsan lang makakakita ng ganon. Blood Flower is a rear poisonous Flower. Where the hell did she get that? Humanda ka, Blood Flower. Kapag may nangyari kay Azalea. Ako mismo ang papatay sa'yo. ani ni Daike sa utak.
Kahit saang lupalop ka pa magtago sisiguraduhin kong ako mismo ang makakahanap sa'yo. Ako mismo ang papatay sa'yo. Subukan mong galawin kahit dulo ng kuko or isang hibla ng buhok ng mahal kong si Azalea. Ako mismo ang makakaharap mo.
Hindi kita mapapatawad. I will even break our rules. Even if my own rules. Ano bang rules ko sa sarili ko? Huwag pumatol sa babae. Naniniwala pa din kasi siya. Respect girls like how you respect your mother. Don't hit them in your own hands.
Kaya ayaw niya sa pinapagawa sa kaniya ng sariling ama. Search this girl. Sabay tingin niya sa litrato. Hmpf.
"She's beautiful." aniya sa sarili.
Nasa kwarto siya at kaharap ang cellphone at laptop niya. Nag-announce na siya sa kanilang website. Na dapat hindi siya ang gumagawa. Ang nakalagay lang naman do'n ay, CALLING ALL THE LEADERS OF THE GANG. ESPECIALLY YOU! THE NEW LEADER OF SPIDERS. 5PM SHARP. Kahit hindi naman talaga nagbigay ng oras ang ama niya. Nilagyan na lang niya. Para naman pumunta talaga sila, di'ba? Tsk.
Ang problema kung titingnan iyon ng bagong leader? Paano kung hindi? Sana pala sila na gumawa nito. Nang maalala niyang sa text lang pala natatanggap ang mga announcement dati. Iyon na lang ang ginawa niya. He texted all. Kagaya ng ginawa nila dati nang may palaro palang sila.
Kaya ginawa niya ang proseso na iyon. Baka kasi, ang una nilang ginawa ay hindi gumana. Mas maganda ng gumagawa sila ng paraan. Maraming paraan. Siguro kung nakuha na ng Blood Flower na iyon ang mensahe niya. Alam na siguro nito kung saan, di'ba? Hindi naman ito bobo. Dahil kung bobo ito, hindi nito papasukin ang buhay na meron sila. Ano ba talagang motibo nito para panghimasukan ang buhay na meron sila? Magaling itong makipaglaban at halatang pinaghandaan nitong mabuti ang laban at matalino ito dahil sa likod ito pumuwesto ng araw ng laban.

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...