Third Person POVBored na bored na tinitingnan ni Blood Flower ang mga kapwa niya leader. Isang oras na ang lumipas magmula ng dumating siya. Naiinip na siya. Ayaw pa naman niya na pinaghihinatay. Wala pa din ang iba. Lalo na daw si Daike. Tsk.
Kilala niya kung sino si Daike. Alam niya kung sino ito. Ang problema, kilala kaya siya ni Daike? Tsk. Daike. Daike! Blue naman ang ibig sabihin no'n. Akala niya naman sa mga tao dito, hindi marunong mag-japanese.
Siguro nga hindi siya Japanese. Dahil hindi naman talaga. Naka-maskara siya ngayon at suot niya ang kaniyang contact lens sa mata. Mas maganda ng maging maingat. Baka mahalata ng mga tao.
May narinig siyang mga yabag kaya agad siyang umupo ng tuwid at binago ang expression ng kaniyang mukha. Nawalan ng buhay ang kaniyang mga mata. Ito ang tunay na Blood Flower.
She needs blood to make her flower bloom.
Iyan ang motto niya sa sarili. Nakakatakot. Hindi siya babansagan na Blood Flower kung hindi siya nakakatakot. Sa salitang blood pa lang ay alam na. Dugo! Pulang likido o ano pang tawag ng ibang lengguwahe dito.
Hindi siya lumingon kung saan nanggaling ang mga yabag na iyon. Nasa isang silid sila at maraming upuan. Siya ay naka-upo sa sulok. May upuang kahoy.
Hawak niya sa kanang kamay ang kaniyang katana at naka-ipit naman sa mga binti niya ang mga bread knife na ginamit niya noong laban. Hindi siya pwedeng umalis na walang kahit anong armas na dala. Lalo na kapag siya si Blood Flower.
*****
Samantala.
Nakatingin lang si Daike sa babaeng nasa sulok. Nakita niyang hinigpitan ng hawak ng dalaga ang kaniyang katana. Bakit nga ba sila pinatawag? Anong kailangan ng ama niya? Isa pa, bakit nandito si Blood Flower? Siguro nga ay dahil siya ang bagong leader sa pinakamalakas sa mga grupo. Tsk.
Wala pa ding makakatalo sa kaniya. Namiss niya tuloy si Azalea. Tumingin ang nagngangalang Blood Flower sa kaniya. Tiningnan siya nito gamit ang mata na magka-iba ang kulay. Napalunok siya.
Ano ba ang nararamdaman niyang ito? Natatakot ba siya sa mga mata nito? Walang kakaiba sa mga mata nito. Pagkumbinsi niya sa sarili. Pero, alam naman niyang hindi siya kayang saktan ni Blood Flower.
Bakit hindi siya kayang saktan nito? Dahil sa malakas siya? O may iba pang dahilan? Umupo siya sa isang silya na nakatapat sa upuan ni Blood Flower. Nakatingin pa din ito sa kaniya na walang emosiyon kang makikita. Tsk.
Sino ka ba talaga? Saan ka galing? Bakit ang galing mong makipaglaban? Ang daming tanong sa utak ni Daike. Hindi niya naman alam kung paano sasagutin ang sariling tanong.
Isang mabibigat na mga yabag ang nagpahinto sa mga iniisip nilang lahat. Lahat sila ay napalingon sa taong nagmamay-ari ng mga yabag na iyon. Ang ama niya. Ang ama niya wearing his usual face. Ang nakakatakot nitong mga mata. May dala itong briefcase at nakasunod dito ang mga alalay nito. Tsk.
Kung sa kaniya iyan ipamamana ang lahat ng pag-aari nito na alam naman niyang galing sa mga illegal transaction nito, salamat na lang. Dahil ayaw niyang mabuhay sa mga ganon na bagay. Ayaw niyang ialay ang kapalaran niya sa mga perang galing naman sa hindi magandang gawain.
"Good evening, everyone." anito sa kanilang lahat.
Pero, tahimik lang sila. Walang sumagot sa bati ng kaniyang ama. Tsk. Pati din naman siya. "I know, nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag dito? Especially you!" sabay turo kay Blood Flower.
Lahat ng leader ay napalingon sa kaniya. Pati na din siya. "Lahat kami ay namangha sa laban na iyong pinakita." anito.
Walang umimik.

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...