Chapter 21

3 4 0
                                        


Third Person POV

Madaming tao ang nakatingin sa kanila ngayon. Ang iba ay napapahinto pa sa paglalakad at napapalingon sa direksyon nila. Napalunok tuloy si Azalea ng sariling laway. Hindi niya mawari kung anong dapat gawin. Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi magtaka at maghinala si Blue sa kaniya. Dahil kung hindi, masisira ang lahat ng mga plano niya.

Malapit na siya. Malapit na malapit na niyang magawa ang kanyang hangarin. Kaya't hindi siya papayag na masira pa iyon ngayon.

          "Ano ang mga bulaklak na yan?" tanong ng mga estudiyante.

          "Kanino galing iyan?" tanong naman ng kung sino.

Iyong kaba niya, mas lalong dumoble. Si Blue naman ay napatingin sa kaniya. Alam niyang buwis buhay sa kaniya ito. Kaya kahit kinakabahan kailangan niyang gawin. Wala siyang pakialam kung marami ang makakakita sa kaniya.

           "Blue." aniya at lumapit ng husto kay Blue. Si Blue naman ay nakatingin sa kanya na parang tulala.

           "Blue." sambit ulit niya at agad na tumingkayad at hinalikan si Blue sa mga labi.

Mas lalo siyang kinabahan ng hindi ito tumugon sa mga halik niya.

Nakadilat pa din sila pareho.

Narinig niya ang mga hiyawan ng mga ibang estudiyante.

           "Wahh!"

           "Kyahh!"

           "Blue! Wahh! Kinikilig ako sa kanila!"

Pero, ilang sandali lang ay tumugon din si Blue sa mga halik niya. Kaya napapangiti na lang si Azalea sa isipan. Alam niyang hindi niya matatakasan ang mga tanong nito sa kaniya. Pero, ito lang ang naisip niyang paraan para takpan kung sino talaga siya. Wala na kasi siyang maisip eh. Ito na lang muna. Kailangan niyang maging handa sa tanong nito. Mas pinalalim pa ni Blue ang halikan nilang dalawa. Mabuti naman kung ganon. Dahil alam niyang nagugustuhan na din nito ang kanyang ginawa.

           "Wahh! Akin lang si Blue!" sigaw ng kung sino.

Nang maghiwalay ang mga labi nila ay niyakap siya ni Blue ng mahigpit. Naramdaman niyang ang sakit pero, kailangan niyang hindi indahin iyon dahil kapag hindi ay mas lalo itong maghihinala sa kaniya. Masisira lahat ng mga plano niya. Yumakap din siya dito ng mahigpit. Tsk. Bakit feeling niya, nagugustuhan niya ang mga yakap nito? Bakit ang saya ng pakiramdam niya? Bakit feeling niya, safe siya sa mga bisig nito? Ano ba itong nararamdaman niya sa taong kahalikan niya kani-kanina lang? Can someone explain what is going on to herself? "Bakit mo ginawa iyon?" tanong ni Blue sa kaniya pagkalas ng yakap nito at tiningnan siya sa mata.

Nakatingin lang siya dito. Nag-iinit din ang mga pisngi niya. Hindi nga niya alam kung bakit ginawa niya iyon. Basta iyon na lang siguro ang alam niyang paraan para takpan ang pagiging Blood Flower niya. Ngumiti siya dito.

           "I don't know, basta naramdaman ko lang na gusto kitang halikan. Sige, next time. Hindi na kita hahalikan." aniya na may lungkot kunwari sa boses niya.

Yumuko din siya at bumitaw dito. Naglakad siya papalayo dito.

Hindi niya pwedeng pulutin ang mga bulaklak na iyon dahil mas lalong maghihinala si Blue sa kaniya.

She needs to act normal. Kailangan niyang mapaikot si Blue sa kaniyang mga kamay.

           "Nope. I like it. Kiss me again." anito na nagpahinto sa kaniya sa paglalakad.

Totoo ba ang naririnig niya? Kung totoo ito, kailangan niyang maging handa sa kalalabasan.

Napalingon siya dito at tumingala kay Blue. Tumakbo si Blue palapit sa kaniya. Huminga ito ng malalim.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now