Chapter 3

19 7 0
                                    


 Azalea's POV 

Umupo na ako sa upuan ko. Sumunod naman sa akin yong lalaking nakilala ko sa garden. Tsk.


        "What are you doing?" umupo din kasi siya sa tabi ng upuan ko.

        "Dito din kasi ako naka-upo eh." sagot niya. Tinaasan ko siya ng kilay. 

        "Seriously?" he just nodded and smiling at the same time. Sarap naman itapon nito sa ilog pasig or sa lawa na maraming buwaya. Tsk. 

Magsasalita pa sana ako nang biglang dumating ang Prof namin. Tsk. Panira ng murderous plan moments itong si Prof eh. Sayang. May martilyo na akong na-iimagine at ipu-pokpok ko sa kaniya. Langya talaga! Tsk. 

         "Class. Listen." sabi ng Prof namin. 

Tumingin na lang ako sa harapan at nakinig sa mga pinagsasabi niya. 

         "May activity tayong gagawin by fair." aniya. 

         "Tatawagin ko kung sino ang magkakasama. Boys and girls para naman patas." dagdag niya pa.

Tahimik lang akong nakikinig habang tinatawag ni Prof ang mga apilyedo ng mga kaklase ko hanggang sa matawag ang pangalan ko. 

          "Smith and Cosh." Napatingin naman ako sa mga kaklase ko ng tumayo ang katabi ko.

          "Ikaw si Cosh?" tanong ko. Tumango naman siya at kumindat pa.

Tumingin tuloy ang mga kaklase ko sa subject na'to. Tsk. Panira naman ng moment eh. Naalala ko na ang iba sa kanila ay kaklase ko pa last year, pero yung iba ay mga bago na. Tsk.

May magbabago ba? Usually, walang nagbago. I treated them as nobody. 

         "Miss Smith, can you stand up? Para naman makilala ka ng ating bagong transfer students sa subject na'to." ani ni prof sa akin. Tsk. Prof. Panira ka ng moment eh.

Tumayo na lang ako.

         "So, were done. Smith and Cosh. Kunin niyo dito 'yong papel na magiging activity niyo sa araw na ito. Finish or not finish kailangan niyong ipasa. Are we clear?" tanong niya.

        "Yes, Prof." sagot na'min. 

Ako sana ang kukuha, pero naunahan na ako ni Mr. Blue, I don't know. Tsk. Sa lahat na pwede kong maging kapartner sa activity na'to. Itong tao pa na 'to na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti? Hindi man lang siya nagsasawa kakangiti?

Halos umabot na sa tenga ang ngiti niya eh. Hanggang sa maka-upo ako at makabalik na din siya sa upuan niya, ngiti pa din siya ng ngiti. May problema yata sa utak itong taong 'to. Kung may problema siya, kailangan siyang dalhin sa mental. 

Tiningnan ko lang siya ng blangko kong mukha. Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at tiningnan naman niya iyon. Hindi niya ba gets kung ano ang gusto kong hingin sa kaniya? Or he's just so slow to understand? Tsk. Kaya inagaw ko na lang ito sa kaniya at binasa. 

Seriously Prof? Sa lahat ng magiging topic ito pa? What are you going to do if you saw a crime? 

          "Did you read this?" umiling siya. 

Tsk. Sana habang naglalakad siya kanina eh binabasa na niya. Anong ginawa niya? Ay! Alam ko na, he just looking at me and others while smiling. I think we need a doctor here. 

         "So, who's going to answer first?" I asked him wearing my usual face. My blank face.

         "Ikaw." sagot niya. 

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now