Chapter 17

4 4 0
                                        


Azalea's POV

Huminga ako ng malalim at makahulugang tinitigan si Blue. Nakatingin lang din siya sa'kin. Pagkatapos ay walang sabi-sabi ko siyang tinalikuran at naglakad palayo sa kanya. Narinig ko pa siyang tinatawag ako, subalit hindi na ko muling lumingon pa sa kanya.

Tsk. Kaasar. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang hindi ko na maintindihan ang sarili. Para akong nasa isang panaginip na wala na yatang katapusan. Gusto ko tuloy suntukin ang sarili ko para magising na ko.

Focus, Blood Flower. Huwag mo ng isipin ang ano mang bagay na maaaring makasira sa plano mo. Kailangan mong banggain at paikutin ang lahat ng taong naging dahilan ng pagkawasak ng pamilya mo. Kailan mong banggain at paikutin lahat sila, kahit na... ang taong nagpapabilis ngayon ng puso mo.

Muli akong nagbuntong-hininga. Tsk. I know the consequence, but I can't stop my feelings. My feelings towards him is really beyond my control.

Nagpalinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Baka kasi may nakasunod na sa akin. Mahirap na. Baka malaman pa nila ang identity ko ng hindi ko namamalayan. Naglalakad lang talaga ko ngayon, dahil nga hindi pa din gaano bumalik ang lakas ko. Hindi naman agad gumagaling ang isang sugat, diba? Kahit papaano ay medyo nahirapan din ako sa aking huling nakalaban. Aba! Dapat lang. Leader yun ng pumapangalawa sa pinaka malakas sa mundo ng mafia. Tsk! Parang kanina ay hindi ko pa nararamdaman ang hapdi sa likod ko, pero ngayon ay parang gusto ko nalang magpagulong-gulong dahil sa sakit. Lintek na alambre na yan! Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang humarang sa'kin. Tsk! Sabi ko na nga ba at may sumusunod sa akin eh!

Binigyan ko sila ng isang nakakakilabot na tingin na kahit sa kanilang panaginip ay hindi nila makakalimutan. Napaatras sila sa ginawa ko. Subalit, isa sa kanila ay nagwika.

           "Pinuno, hindi ba dapat lang na makilala namin ang aming bagong leader? Isa pa, Spider ang tawag sa amin dati. Sapagkat yun ang pangalan ng aming dating pinuno. Siya ang aming ulo at kami ang kanyang mga kamay. Ang mga kamay ang dapat laging sumunod sa aming ulo. Subalit, ngayong wala na siya... Hindi ba dapat tayong magkaroon ng bagong pangalan?" wika nito.

Tama. Ang mga humarang nga sa'kin ay ang mga kagrupo ko ngayon. Sandali akong napaisip dahil sa sinabi niya.

Actually, kung hindi ko pa nasasabi, ang grupo ng Spider ay siyam lahat. Kasama na yung pinuno at yung Dos na pinatay ko kanina. Ang mga meymbro naman ay binubuo ng anim na lalake at dalawang babae. Well, lima nalang silang lalake ngayon dahil nga pinatay ko na yung isa kanina.

Pagkatapos kong mag-isip ng dapat gawin ay muli akong tumingin sa kanila. Tahimik lang din silang naghahantay ng sasabihin ko habang nakatingin sa akin.

             "Blood Flower. That's our new name." walang emosyong pahayag ko.

Yeah. I really wants Blood Flower. Isa pa, hindi ko kailangan bilangin kung ilan ang members na meron ako. Dahil kahit ilan naman ay pwede. Muli akong napangiti. Tama. May dadagdag pa sa kanila. Hahaha.

             "We need blood to makes our flower's bloom." dugtong ko pa.

Agad na sumilay ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

             "Oh, not bad. Ako nga pala si Kwatro." komento ng isang lalake.

             "Tsk. Ako si Tres." wika naman ng babaeng nakalaban ko kanina.

Mukhang ang pagiging pinuno ko sa kanila ay hindi pa din niya tanggap. Well, that's fine. Sa bandang huli ay ako din naman ang uubos at papatay sa kanila.

Isa-isa silang nagsalita nagsalita at ang pinaka huli ay yung isa pang babae na sa tingin ko ay ang pinaka loyal at pinaka tahimik sa kanila.

             "Ako si Uno. Isa akong assassins. Sabihin mo lang kung may ipapatapos ka o may ipagagawa sa'kin at ito ay gagawin ko kaagad." saad niya.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now