Chapter 22

5 4 0
                                    


Third Person POV

Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo na din silang nagtetext ni Blue. Minsan nag-aaway sila sa text. Minsan naman ang sweet nila. Gusto din niya ang pakiramdam na nag-iinit ang dalawang pisngi niya dahil kay Blue.

Ngayon niya lang naramdaman ang mga iyon. Kaya, kailangan niyang lubos-lubosin. Sabado ngayon at kailangan niyang maglaba ng uniform niya at uniform ng kapatid niya. Kailangan din niyang tulungan ang ina niya sa paglilinis ng bahay. Nag text muna siya kay Blue na kailangan niyang maglinis kaya stop muna sila sa pagtetext.

Nag reply naman ito ng "okay." at may smiley with heart and malaking U sa huli. Hindi niya alam kung signature ba ito or ano? Kasi, palaging nasa huli eh. Bigla na lang umiinit ang pisngi niya.

Lumabas na siya ng kwarto niya dala ang labahan niya. Wala pa din ang ama niya dahil may tinatapos itong trabaho sa ibang bansa. Nakita niya ang kapatid niyang nasa sala at naglalaro sa laruan nitong teddy bear at stethoscope.

Napangiti siya dahil sa nakikita niya ngayon sa kapatid niya.

            "Hey." aniya.

Napalingon ang kapatid niya at kinawayan siya. Lumapit siya dito at umupo sa tabi nito.

            "What are you doing?" tanong niya dito.

Alam naman niya kung ano ang ginagawa nito. Pero, mas maganda pa din sa pandinig niya ang boses ng kapatid.

            "I'm playing with my toys. I'm checking if she has a fever." anito.

Kumunot ang noo niya.

            "She?" tumango ito. "How did you know that she's a girl?" sabay turo sa teddy bear.

Kibit-balikat lang ang binigay ng kapatid niya.

            "I don't know. She's pretty too." anito.

Ano bang pinagsasabi ng kapatid niya?

            "Anong name niya?"

            "Andrea." sagot nito.

Andrea. A nice name. Baka pinangalanan lang nito ang teddy bear nito.

            "I saw her with her best friend. They are happy. I hope I have a girl best friend. She's absent yesterday because she has a fever." anito.

Kaya pala. Napangiti na lang siya ng mapait. Ginulo na lang niya ang buhok nito.

              "Ate. Can I invite her in our house to play?" tanong nito habang nakatingin sa kanya, kaya umiling siya. Hangga't maari ay ayaw niyang may makaalam ng bahay nila. Tumango lang ito at ngumiti ng mapait.

              "Alam mo naman kung ano ang situation natin ngayon, di'ba?" aniya dito.

Tumango ito at ngumiti ng may malungkot na mga ngiti sa labi. Ngumiti na lang din siya ng mapait. Kung may magagawa lang talaga siya.

Alam naman ng kapatid niya na delikado ang buhay nilang magkakapatid. Hindi pa sila pwedeng magpapasok ng mga ibang tao sa bahay nila. Maliit lang ang bahay nila dahil iyon ang gusto niya. Maayos naman sila na naglilinis at nagluluto sa umaga hanggang hapunan.

              "Teka, tapos kana bang kumain?" tumango ang kapatid niya.

              "Good." aniya sabay gulo sa buhok nito.

Tumayo na siya at agad na binuhat ang labahan patungo sa likod ng bahay nila. Nakita niya ang ina niya na nagdidilig ng halaman.

              "Ma! Ako na po diyan." aniya dito.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now