Chapter 11

6 5 0
                                    


Azalea's POV

Kailangan kong i-focus ang utak ko sa laban bukas ng umaga. I wear my evil smile this time. Pero, mabilis lang dahil baka may makapansin sa akin. Tsk. Bukas na agad ang laban. Kailangan kong magpahinga para sa laban bukas ng umaga. Napalingon ako sa paligid at napansin kong wala na si Blue. Nasaan na ba ang taong 'yon? Baka nasa room na?

Bago ako makapunta sa room I check my account in Facebook. May nag-message sa akin.

Facebook user: FAKE FACED! OH YEAH. HINDI MAGANDA! ANG PANGIT MO. ITO KA OH! *Insert Picture*

May picture na nakalagay. Ang itim ng mukha. Ang dilaw ng ngipin. Sino naman ang mokong na nagmessage sa akin nito?

I wear my evil smile again. I will find you sooner or later. I tap something in my phone. Nalaman ko kaagad kung nasaan siya at taga school lang siya. Mga Inggitera! Mapuntahan nga muna habang naglalakad ako at nakatingin sa cellphone ko. Tinuturo kasi nito kung saan ang taong iyon gamit ang red dot na nasa screen ng cellphone ko.

Nakita ko siya sa medyo malayo. Ten meters from me. Huli ka girl. Yes. Babae siya.

Sa susunod na makita kita, leeg mo na ang ipopost sa internet. Ops! My bad! Makabalik na nga.

Makapunta na nga sa klase ko. Baka malate pa ako. Hindi na nga ako naka-attend ng klase ko kanina dahil nawalan ako ng malay and then, hindi pa ako makakapasok. Nako, lagot na! My grade! Kailangan kong i-maintain ang one para hindi ako mawala sa topnotcher this semester.

Habang naglalakad ako sa hallway, may ilang estudiyante na bumabati sa akin. I'm just smiling at them. Wala naman akong magagawa. Alangan naman iisnaban ko sila? Pero, masisira ang image ko bilang si Azalea Smith. Tsk.

Dahil maraming Smith sa mundo at sikat din ang apileyedo na iyon. Tsk. Kahit gaano kasikat ang apileyedo ko kung hindi ko naman maipaghihiganti ang mga magulang ko, wala din.

Nang makarating ako sa susunod kong klase ay nandoon na nga si Blue.

           "Tsk." ani ko sa mahinang boses.

Agad akong pumasok at tumabi sa kaniya ng upo. Napatingin siya sa akin at saka ngumiti.

           "Saan ka galing?" tanong niya sa akin.

           "Ikaw nga dapat ang tatanungin ko niyan. Saan ka galing?" pabalik kong tanong.

          "Hinanap kaya kita." tugon niya sa'kin.

          "Weh? Hinahanap din kaya kita. Lumingon ako sa paligid, pero hindi na kita makita." pahayag ko pa.

          "Akala ko kasi nauna kana sa akin kaya pumunta na lang ako dito sa next class natin." ani ni Blue.

Huminga na lang ako ng malalim.

          "Ay, sorry.hinging patawad ko nalang.

          "Pero, hinahanap talaga kita kanina. Akala ko kasi nakasunod ka sa akin agad." wika ko pa. 

          "Tumahimik nga kayong dalawa diyan!" sigaw ng isang babaeng kaklase ko.

Napalingon tuloy kami ni Blue.

          "Kung gusto niyong magtaguan. Bakit hindi kayo lumabas?" sabi ni Rochelle sa amin.

Tinaasan ko ng kilay si Rochelle.

         "Bakit? Sa'yo ba ang school? Wow!" sabay tayo ko.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now