Chapter 8

10 5 0
                                        


Ilang sandali ang lumipas ay agad na tumayo si Blue. Tiningnan niya ako.

         "Dito ka lang." sabi niya sa akin. Kumunot ang noo ko. Gusto kong sumama sa kaniya.

         "Sasama ako." sabi ko sa kaniya. Umiling siya.

         "Bakit?"

        "Dahil delikado doon. Bawal ka na sumama sa akin." aniya na may malungkot na mukha.

Bakit naman siya nalulungkot? Tsk. Akala naman niya hindi pa siya nakapatay ng tao. Napatay na nga niya iyong mga taong 'yon eh.

Tumango ako para sabihin na okay lang. Napangiti ako dahil ngumiti siya sa'kin ng matamis.

       "Alam mo mas panatag ako kapag hindi ka sasama sa akin." tumango na lang ako sa kaniya.

Nakita ko siyang lumabas ng canteen. Lumingon muna siya sa akin at kumaway. Kaya kumaway na din ako sa kaniya na may kasamang ngiti sa labi.

Nang tuluyan na siyang tumalikod ay agad siyang nawala sa paningin ko. Ang bilis naman niyang tumakbo. Tama kayo ng narinig. Tumakbo po siya palayo. Tumayo din ako sa kinauupuan ko at agad na sinundan siya. Dala ko ang bag ko. Nandito din ang maskara ko pati ang jacket na ginagamit ko bilang Blood flower.

Nagtago ako sa likod ng mga puno. Umakyat ako at tumungo sa pinakamataas na parte ng kahoy. Expert din ako sa akyatan.

Mabilis akong tumingin sa baba. Nakita ko ang mga nagkukumpulang mga estudyante. May mga bangkay nga dahil may isang sasakyan na nagkakarga ng mga duguan na tao. Tsk. Ganyan naman talaga eh.

Hindi na bago sa paningin namin ang mga iyan. Pero, ang iba nababahala pa din sa kaligtasan nila. Kahit na ako, nababahala hindi dahil sa akin kundi sa mga taong mahal ko. Ayaw ko silang mapahamak dahil sa ginagawa kong ito. Pero, hindi ako nagsisisi na ginawa ko ito. Dahil ito lang ang paraan para ang lahat ng sumira sa pamilya ko ay magbayad.

Hindi ako magiging ganito Kundi dahil sa kanila. Tsk. Sinira nila ang pamilya namin. Triple ang magiging kapalit no'n. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako dito. Dahan-dahan akong bumaba nang makita ang mga estudyante na umaalis na. Kaya bumaba na din ako.

Nang nakababa na ako at nasigurong walang taong nakakita sa akin ay tinanggal ko kaagad ang aking maskara pati ang Jacket na ginagamit ko.

Third Person POV

Habang naglalakad si Blue pabalik sa canteen. Tumunog ang cellphone niya. Kaya agad niya itong sinagot.

          "Yes?" tanong niya sa kabilang linya. Sabay hinto sa paglalakad.

          "Niligpit mo na ba?" ani ng lalake sa kabilang linya. Huminga siya ng malalim.

          "Yes. Done na. Marami nga ang nakakita do'n." aniya.

          "Good. Bye." anito at binabaan na siya.

Naglakad siya ulit at tinungo ang canteen kung saan iniwan niya si Azalea. May kasalanan pa siya sa babaeng iyon dahil iniwan niya lang itong mag-isa. Pero, mas makakabuti iyon sa dalaga kesa mapahamak ito.

Nang makarating siya sa canteen, nakita niya ang dalaga na kumakain pa. Napangiti siya dahil ilang plato na ang naubos nito. Ganoon ito kagutom? aniya sa isip.

Umupo siya sa harapan ng upuan nito at tiningnan pa din ito. Napaangat ng tingin sa kanya si Azalea.

             "Ang dami mong nakain ah? Gutom ka pa?" tanong niya dito.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now