Third person POVHabang hinihintay ni Azalea ang kaniyang laban, may isang taong nagmamasid sa 'di kalayuan sa kanilang lahat. Nakatingin lang din ito sa laban sa baba. Nilibot niya ang kaniyang paningin. May mga babaeng naka-upo sa sofa at mga lalakeng lasing na may dalang baril. Parang naging bar na nga eh. Dahil may sumasayaw sa harap ng mga ito, pero wala do'n ang attention niya.
Kanina pa siya nawiwili sa mga pinapanood niyang laban. Ang dami na ding dugo ang nakakalat sa ring. Ang dating puting kulay ngayon ay pula na. Hinihintay na lang niya kung sino ang mananalo sa mga new member at maghahamon sa kanila.
Ang gusto niya ay ang manalo ang babaeng tumapos sa grupo ng SPIDER na si dos. Narinig niya lang na tinawag itong Blood flower ng leader ng Spider.
Iyon ang nakakapagkuha sa kaniya ng attention. Nang nilibot niya paningin, nakita niya ang Spade of Ace na may kahalikang babae. Tsk.
Kapag playboy ka talaga mananatili ka talagang playboy. Siya ang leader ng pangkat na pangatlo. Si Mode dahil nagbabago ang mode niya. Nickname niya lang ito sa laban. Pero, maganda ang name niya. Siya si Charles JitsuDust. Ang apilyedo na gamit niya ay ang apileyedo ng mama niya na namayapa na dalawang taon na ang nakalipas.
May ama siya pero, walang pakialam sa kaniya. Nang tumingin siya sa kaniyang harapan ay ang nakasalang na ang babaeng hinihintay niyang sumalang sa laban. Lalake ang kalaban nito. Kung mananalo ang dalaga sa laban diyan, sigurado siyang ang mga kamay mismo niya ang tatapos dito.
Blue's POV
Nakatingin ako sa laban. Panghuli na ito at isa sa kanila ang mamimili sa amin at kakalaban sa aming mga leader para maging leader ng grupo.
May humahalik sa akin, pero agad ko siyang tinulak. Nilingon ko siya.
"Pwede ba, bumalik kana sa upuan mo." sabi ko in a cold way.
Tiningnan niya lang ako at ngumiti, tapos hinalik-halikan na naman ako sa labi. Agad ko siyang tinulak at sumalampak ang pwet niya sa sahig. Wala akong pakialam.
Hindi ko siya pinansin at tumingin ulit sa ring. May lalake at babae. Panghuling laban na ng mga iyan. Tsk. Hindi nila makukuha isa man sa kanila ang pwesto ko.
Pagod na ang lalake at ang babae ay agad na binunot sa lalagyan ang espada nito na may gintong hawakan. Magaling siyang pumili ng armas. Hindi kasi ito mabigat dalhin.
Nagtinginan muna ang dalawang magkalaban. Parang pinag-aaralan ng mga ito ang bawat galaw ng isa't- isa. Tsk. Wala namang saysay ito. Sana nakipag-date na lang ako kay Azalea sa araw na ito.
Maganda pa araw ko kapag si Azalea ang kasama ko at hahalikan ako sa labi. Tiningnan ko ulit ang babaeng nakasalampak kanina sa sahig, wala na siya. Mabuti naman dahil kapag nakita ko pa siya na nakasalampak diyan ay baka hindi ako makapagtimpi ay ako mismo ang tatapos sa buhay niya. I smirk.
Nakita ko ang lalakeng may sugat na sa mukha. Nadaplisan siya ng espada. Nalingat lang ako pero, may sugat na siya. Hanep. Mabilis gumalaw ang babae.
Sumugod siya dala ang espada at ganoon din ang lalake. Dahil itak ang gamit ng lalake, initak niya ang babae pero, naunahan siya nito at nadaplisan siya sa tagiliran. Dahil na din siguro sa pagod na ang kalaban niya.
Hinarap ulit ng babae ang kalaban niya at sinugod ito. Pero, ngayon hawak niya ang dalawang bread knife at nang malapit na ang lalake ay agad siyang nag-slide sa dalawang binti nitong nakabuka at sinugatan ang dalawang binti nito.

YOU ARE READING
Blood Flower (UNEDITED)
ActionAzelea Smith. She changes everything about herself even her looks just to seek a revenge for her death parents. Right now, She only have her younger brother. But no lover. Then, She met him. And after a long journey, got fall in love with him. But...