Chapter 27

10 6 0
                                    


Someone's POV

Paikot-ikot lang akong naglalakad sa sala at hindi mawari kung ano nga ba ang aking dapat gawin. Hawak-hawak ko lang ang cellphone ko at pinapaikot ito sa aking kamay.

Muli akong napatingin sa labas ng aming bintana malapit sa sala at sa natutulog na bata sa sa sofa. Ano ba ang gagawin ko? Dapat ba kaming umalis na muna dito at lumipat ng bahay? Pero, nasaan na ba ang panganay ko? Kanina ko pa siya kinokontak, pero hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyari sa kanya. Baka nakuha na siya ng taong yun o 'di kaya ay... Hindi ko na mapigilang hindi mapaluha dahil sa naisip. Baka kasi pinatay na siya ng taong yun.

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. Sobra-sobra na ang pag-aalala ko sa kanya. Nasaan na ba siya?

Muli akong napatingin sa labas na tuluyan ng binalot ng dilim. Anong oras na, pero hindi pa din siya nauwi...

          "Ma, nandito na po ba si ate?"

Napalingon ako sa isang bunso kong anak. Yan ang tanong niya sa akin habang kinukusot-kusot pa ang kanyang mata. Nagising yata siya dahil sa mahina kong pag-iyak.

           "Ah, si ate ba kamo? Umuwi na siya kanina, pero umalis siya ulit. Ang sabi niya ay may gagawin daw silang project sa eskwelahan. Kaya baka doon nalang daw siya matutulog sa kaklase niya para matapos na nila agad iyon." nakangiti kong pagsisinungaling dito.

Nasaan kana ba kasi? Nagsisinungaling na ko sa kapatid mo para lang pagtakpan ka. Umuwi kana, please...

            "Ah, Ma... Umiyak ka po ba?" biglang tanong sa akin ng bunso kong anak sabay tingin sa aking mga mata na hindi ko alam kung sasalubungin ko ba ito o hindi.

Akala ko ay hindi niya nahalata. Kung sabagay, bata pa siya at malinaw pa ang kanyang mata kahit na sa gabi.

Pinunasan ko ang luha na natuyo na sa aking pisngi at muling ngumiti sa kanya.

            "I'm not crying, baby. Napuwing lang ako." pagsisinungaling ko ulit sa kanya.

Naisip ko lang. Hanggang kailan ko kaya kakayaning magsinungaling at harapin ang isang inosenteng batang ito?

            "Ma, are you telling the truth? I hear you sobbing a while ago." may lungkot sa tinig na tanong niya sa akin. Kaya naman hindi ko na mapigilang tanggalin ang maskara ko na nakatakip sa tunay na nararamdaman ko sa harap niya. Napaiyak ako ng husto. Siya naman ay niyakap ako ng mahigpit at napaluha na din dahil sa akin.

             "Ma, Why are you crying? May ginawa na naman po ba si ate sa'yo?" tanong niya pa habang nakayakap sa'kin.

          "No, baby. There's no reason. I just feel that I wants to cry right now." tugon ko sa kanya.

           "Ma, are you feel sad right now? Don't worry, I will not leave you alone. But, Ma... About ate, are you telling the truth about the reason why ate is not here yet? *Sob* Is she coming home or not anymore?" tanong niya pa sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan siya sa mata. Hinawakan ko siya sa kanyang dalawang balikat at saka nagwika.

           "Baby... Don't worry, okay? Ate will go home no matter what happened. She will definitely come home with her usual self again. Right now, how about packing our things?"

Agad na napakunot ang kanyang noo dahil sa huli kong sinabi.

            "Why, Ma? Bakit kailangan nating mag-impake?" nagtatakang tanong niya.

I expected na ganito talaga ang magiging reaksyon niya, pero hindi ko pa din alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang dahilan.

Napatulala nalang ako at muling ginunita ang mga tagpo na nangyari kanina lang.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now