Chapter 13

4 4 0
                                        


Azalea's POV

He look at me wearing his cold eyes. Tsk. I know you already now Blue. No more lies. Oo nga naman.  Alam ko na noong pinatay niya iyong mga taong iyon. Sa tuwing may gulo or patayan na nagaganap nandoon din siya.

Nakilala niya kaya ako? Impossible. Binawi niya ang tingin sa akin at tumingin sa paligid. Ito ka pala? Mas dapat pala kitang manmanan ng mabuti. Tsk. Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo kung sino ako. Namuo ang galit ko. Galit na galit ako ngayon. But I need to calm myself or else, mabubulilyaso ang lahat ng matagal ko ng pinaplano sa buhay. Kailangan ko din na pataasin ang rank ko. Dumiretso na ang COLOR CARDS sa gitna ng battle field.

Mukhang mag-uumpisa na ang totoong laban. Kaya humarap ako do'n. May isang lalakeng mataba at nakasuot ng Americana suit. May isang lalake din na lumapit dito at nagbigay ng mic.

             "Good morning, everyone."

Tsk. May gana pa siyang bumati.

I know na gusto niya lang makakita ng mga bangkay. Tsk. Walang bumati sa kaniya pabalik. Nararamdaman ko ang tension sa paligid. Iyong iba, kinakabahan sila at iyong iba hayok sa dugo.

             "I'm hurt." Dagdag sabi pa nito at kinapa pa ang dibdib niya kunwari ay nasaktan talaga.

Tsk.

             "But anyway, this is the day na magkakaalaman na."

Tahimik pa din ang buong paligid.

            "Rank by rank ang labanan. New to new."

Huminga ako ng malalim. Na-e-excited na ako sa mangyayari. I need to win this battle.

Kailangan maging mataas ang rank ko. I am new. Ubusan ito.

            "If you win every battle. Your rank will be get higher and higher. Hanggang sa ikaw na ang mangunguna." anito sa aming lahat.

We know that already. Huwag mo ng ipaalala pa. Tsk. Ang kailangan ko lang gawin ay manalo sa lahat ng mga kalaban ko.

           "Oh. May isa pa. Kapag napatay mo ang leader ng kalaban mo. You will be the new leader at kahit ayaw nila kailangan ka nilang sundin."

Biglang umingay ang mga tao sa paligid.

          "Protect your leader or else he or she will die. May isa pa pala. Kapag dalawa or higit pang leader ang napatay niyo ay kailangan nilang magkampihan para maprotektahan ang bago nilang kinikilalang leader sa grupo. Kung hindi lahat sila ay disqualified." dagdag pa.

Tsk.

             "Paano naman kung walang kagrupo?" tanong ng lalakeng nasa unahan.

             "Simple lang. Kailangan niyang matalo lahat ng walang kagrupo at iyong taong huling nakatayo ay iyon ang makakalaban ng may grupo. So ibig sabihin. Isa-isa kapag walang kagrupo. Kapag may kagrupo ka na, pwede niyong tulungan ang mga kakampi niyo para madaling matalo ang kalaban niyo. Riot kung baga. Advantage and disadvantage. Dito masusukat kung karapat-dapat ba talaga kayo sa trono or hindi. I mean, na maging leader at maging pinakamalakas sa lahat ng nandito. Thank you."

Pagkatpos ay binigay na niya ang mic doon sa kasama niya. Tapos, lumabas na siya ng battle field.

Dahil naiwan na iyong lalakeng nakahawak ng mic, may isang lalakeng pumasok at may kahon na dala. Natatabunan ito ng puting tela at may isang babaeng pumasok ulit na nakabikini lang. Tsk. Sa klase ng babaeng iyan, siguradong kapag lumabas iyan dito, hindi siya patay kundi pagod na pagod. May mga lalakeng nagwiwistle na nga at panigurado, naglalaway na iyong iba.

Blood Flower (UNEDITED)Where stories live. Discover now