Unseenzoned: 16

883 35 3
                                    

Donny:

"Pero okay naman na ko e. Kayo nung ex mo ano nangyari? " tanong nya

Napangiti naman ako

  "Teka akala ko ba wala kang pake? bat parang gusto mo na marinig kwento ko?" tanong ko

  "Nagtanong lang ako pero wala pa din akong pake. " sambit nya kaya natawa naman ako.

  "Gusto mo naman malaman kaya sasabihin ko na nga..  Ayun nga lagi kasi kami nagtatago sa parents nya, bawal e. at isa pa ayaw ng mommy ko sakanya kaya walang magawa. Then one day si Iñigo nakita siya with someone,  malay ko kung sino.  Di ko pa siya pinaniwalaan non and then ayuun dinala siya ng mommy nya sa ibang bansa para mag aral doon ng culinary, nagpaalam naman siya pero alam kong ayaw nya na. Kasi kung gusto pa naman nyang ipagpatuloy relationship namin gagawa siya ng paraan para makausap ako" kwento ko

  "Di mo manlang sinuyo?"

  "Hindi.  Tsk bakit pa, oo di ako makamove on ng slight pero di ko uugaliing habulin siya at suyuin,  ayoko ng apakan pride ko para ipaglaban siya.  Masaya na ko sa ganto atleast nakakakilala ako ng iba diba" sambit ko

  "Tsk. Kaya madami kang chance para manlandi."

"Grabe namannn! Ilang beses mo na ko ginaganyan ha. Nakakadami kana. Pero thankyou sa pakikinig" sambit ko

  "Di ka naman sure kung nakinig talaga ko. " sambit nya

  Napatango nalang ako.  Hindi rin naman siya magpapatalo e,
Pero ano bang pangalan nya? Hmp.

  "Pero ano ngang name mo? "

  "Bat kasi ang big deal ng name ha" tanong nya

  "Eh syempre. Basta gusto ko lang malaman"

"Magtanong ka muna sakin ng tanong tas sasagutin ko din ng patanong pero dapat tuloy tuloy lang tayo sa tanong. Pero halimbawa ang tanong ko Anong pangalan mo, dapat sagutin mo yun ng tanong pa" sambit nya kaya naguluhan naman ako.

  Magtatanong ako.. Tas magtatanong din siya pero dapat tanong din ang sagot ko sakanya??? O___O

  "Okay game.  Ilang taon kana" sambit nya

  "Anong maganda sa sinasabi ko?" tanong ko

  "Bakit epal ka? "

  "Bakit mukha kang lalaki"

"Bakit mukha kang tae" tanong nya

  "Bakit gusto kitang makita?" tanong ko

  "Bakit---ang gwapo mo"

  "Gwap---"

"Okay out na! Sinagot mo ng sagot tanong ko e" natatawang sabi nya

  "Hindi pa naman ako tapos e.  Inunahan mo lang ako. 'GWAPO BA KO?' yan dapat ang itatanong ko. Out kana sabihin mo na pangalan mo" nakangiti pang sabi ko

Napabuntong hininga naman siya,  alam kong naiirita siya, hindi ko lang talaga makita kasi madilim at maliit na liwanag sa isang butas mula sa pader lang ang nakikita naming dalawa.

  "Fine.... Sasabihin ko na" sambit nya

  "Ano? Ano? " excited na sabi ko

  "Takte ang atat mo naman! " inis na sabi nya

  "Ano nga kasi?"

  "I'm Sharlene,  Shar nalang for short" sambit nya

Sharlene. Shar
Ang ganda naman ng name nya.
Kung anong kinaganda ng pangalan, yun naman kinayabang ng kilos at pananalita nya.

  "Okay. S-Shar.  "

"Eh ikaw sino ka?" tanong nya

Napangiti naman ako at pinikit nalang ang mata ko

  "Malalaman mo din,  personal pa kong magpapakilala sayo, alam ko naman na di pa kita makikita dito e. " sambit ko at tuluyan ng pinilit ang sarili ko na matulog dahil alam kong bukas wala na siya dito at saka... sisimulan ko na din na hanapin siya,at makita ang itsura nya.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon