Unseenzoned: 34

832 22 2
                                    

Donny's Pov

  Pagdating namin sa Baguio, nag ayos ayos lang kami ng gamit at inaya ko naman si Shar na pumunta muna sa garden sa bahay na to upang magpahangin.

Medyo madilim na kaya lumalamig na.
Napapangiti nalang tuloy ako kada pumapasok sa isip ko na pumapayag na siya sa gusto ko ngayon.

  "Shar. "

"Hmm? "

"Thankyou ha. Ang saya ko lang.. Thankyou kasi pinapasok mo ko sa buhay mo, tinanggap mo ko bilang kaibigan, masaya na ko sa ganito. Ngayon lang kasi ko nagkaroon ng kaibigan na tulad mo, except nalang kela Iñigo na nakilala ko lang nitong pumasok ako sa school. "

  "Bakit? Ngayon ka lang ba nagkaroon ng kaibigan?"

"Yep. Siguro eto na pinakamasayang nangyari sa buong buhay ko. Yung makilala sila Iñigo at Ricci pati na.. ikaw, yung makilala kita sa unexpected na way. yung sa booth, yung sa library. " sambit ko

  Napangiti naman siya ng konti at umupo sa damuhan, gabi na. Nakikita na ang stars. Nakatingala siya sa langit at tsaka humiga.

  Humiga din ako sa tabi nya at tinignan siya.

  "Hindi ko naman gustong maging kaibigan ka e.  Pero ewan ko ba, ewan ko kung bakit hinahayaan ko yung sarili ko na mapalapit sayo. " bulong nya.

  "Baka kasi gusto mo ko. Shar. Ako kasi gusto kita" sambit ko.  nakatingin pa din siya sa bituin pero ngayon nakita ko na ang smile nya.

  "Thankyou. "

  "You're welcome. Di naman pala mahirap umamin sa'yo e. Shar gusto ko iprove yung sarili ko sa'yo.  Sana hayaan mo lang ako. Kasi hindi ko alam kung paano at bakit ako biglang nahulog sayo.  Daming rason para di ka mahalin e pero bakit naghahanap pa ko ng isang dahilan para gustuhin ka." sambit ko, lumingon naman siya sakin at tinitigan ako.

Nahyhypnotize ako sa mata nya. Ang ganda ng mata nya, kung gano kaganda ang bituin, ganon din kaganda ang mata nya. Kumikislap.

  "Shar. Please let me.. love you" bulong ko bago siya halikan.

——
  Umaga na ngayon.
Ambilis lang ng oras.

  Kakagising ko lang at masaya pa kong tumingin sa salamin bago lumabas.

"Goodmorning ate Maria! Si shar po?" tanong ko paglabas ko ng kwarto.

  "Naliligo pa Donny. Halika na samahan mo kami kumain ni Arturo" sambit nya.

Nahiya naman akong tumanggi kaya umupo nalang din ako.
Hindi ko maiwasang di tignan ang kumag na'to. Arte pa kumain. Tsk'. 

  "Don't stare. Ayoko ng tinitignan ako habang kumakain at ayokong tinitignan ako ng kapwa ko lalaki" sambit nya habang nakatingin pa din sa kinakain nya.

Napakunot naman ang noo ko at inis ko siyang tinitigan.
Feeler din si kumag e.

  Napangiti nalang ako ng lumabas na si Shar na bihis na bihis at ambango bango pa.

Yie!! ♡ Bwisit. Lalo akong naiinlove e.

  "Good morning Shar! " bati ko sakanya. ngumiti siya at iniwas agad ang tingin nya sakin.

Sus. Kinikilig pa rin ata dahil sa kagabi.
Tsk! Kahit ako di ko makalimutan yun.

  "Donny. Samahan mo ko mamaya na mamili sa palengke ha. Tsaka gusto ko din mamitas ng strawberries" sambit ni ate Maria, dahil good mood ako agad akong napatango tsaka humarap kay shar.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon