Unseenzoned: 25

957 34 0
                                    

Donny:

Ang aga aga ko gumising para matuloy ang plano ko,

Gusto ko na kasi makipag usap ng matino kay sharbet. Yung Donny lang, yung basta! Sa personal. para di na siya magalit sakin

"Basta Ate Melba, kapag alam nyong nag open na yung door nya, ibato nyo agad yan ha" nakangiting sabi ko

"Oo na pogi. "

Nakangiti akong nakasandal sa pader ng pinto ko at nakatingin lang sa pinto Ni Shar.

Maya maya lang ay bumukas na ito at sinunod na ni ate Melba ang plano ko,

"tch bahala na!!!"

Nakita ko ang reaction ni Shar mula sa bintana nya kaya natatawa pa kong pumunta sa bahay nya at pinigilan ang sarili ko na mangiti.

"Ibalik mo na" sambit ko

Nanlaki ang mata nya at biglang naitago sa likod nya ang kamay nya

"A-Alin? Anong ibabalik ko say--"

Inabot ko ang kamay nya at itinaas ito, katulad ng ginawa nya sakin nung nakaraang araw

"Di mo naman magagamit yung briefs ko kasi babae ka. Tomboy ka ba ha?" sambit ko, ibinabalik ko lang saknya ang sinabi nya sakin.

"Ibinato lang yan dito. Aba pake ko ba sa ganyan mo"

"Sus! Hindi mo naman sinabi sakin na gusto mo ng ganyan ko, edi sana binigyan nalang kita ng libre" natatawang sabi ko kaya agad nya kong tinitigan ng masama at tinabig para makalabas siya ng pinto

Aba.

Lumakad na siya palabas kaya agad ko siyang sinundan

"Hoy Sharbet. Joke lang 'yun. Diba nagets mo na, ganyan yung feeling ko nung binato ni Ate Melba yung plastic nung time na yun tas nakita mo ko diba--"

"Shut up. " sambit nya at nagpatuloy lang sa paglalakad

"Hoy sharbet. aba. ako na nga nakikipag ayos e. nakikipagclose tas gaganyan ka pa jan"

Agad siyang tumigil at humarap sakin, nakasara pa ang kamao. mukha nanaman siyang manununtok.

"Hindi ako si Sharbet. Pangalawa, kung gusto mong iexplain yung nangyari tungkol sa undies, oo na! hindi mo na kasalanan. tigilan mo na ko," sambit nya.

Haynako!
Gaganyan ganyan pa pero dadrama drama naman sakin

"Tsk. Sasabay lang naman ako e. Pero bahala kana nga, ako na nga lang nakakatulong sayo pag nagdadrama ka doon sa ex mo e. Ehem booth" sambit ko at ngumiti pa bago naunang maglakad

Nagulat naman ako ng hawakan nya ko sa braso at iharap sakanya

"Paano mo nalaman yung sa ex ko.."

"I'm Donny, " pakilala ko sakanya, inilahad ko pa ang kamay ko pero tinitigan nya lang iyon at di manlang inabot

"I'm Sharlene.. So ano nga, bakit"

"w-wala. nevermind. " sambit ko

Napasimangot naman siya bigla

"Wala naman akong pinagsasabihan non at isa pa.. sila sunny ba nagkwento sayo?! "

"Hindi. Basta madami lang akong alam" sambit ko

"Paano?! Sino nagsabi sayo? Bat madami kang alam"

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon