Unseenzoned: 63

698 23 0
                                    

Sharlene:

“Kakapanood palang ng mga fan kay donny at kisses na umacting ngayon pero nagtrend na at may fandom agad” sambit ni vitto sa tabi ko at tinignan ang phone nyang tinitignan nya kanina pa

Nagpapahinga lang kami ngayon, mula kanina pa kase kami nagshoshooting at 7 pm na din ng gabi

  “Edi ayos”

  “Ayos? Bakit naman ayos ha? Shar naiisip mo ba? Itutulak ng mga ibang fan yung ship nila, lalo ngayon umuusbong na ang ship nilang Donkiss ba yun.. Basta ayun! Ano, wala kang gagawin?“ tanong ni vitto

  “Wala. Bakit, ano bang gusto mong gawin ko? Sabihin sa fan na wag iship si Donny at Kisses ganon?” sambit ko pero sinimangutan lang ako ni Vitto

Tama naman kasi e, kung ishiship nila si Dons kay kisses,  wala akong magagawa kase sila na yun.

  “Paano kapag nagspread out din na may relationship sila ganyan? Iba takbo ng isip ng mga tao ngayon”

  “Haynako vitto.  Basta alam natin ang totoo. Ayun lang sapat na yun, hayaan natin silang ispread yun kung gusto nila kase bandang huli kami lang ni Donny ang may alam ng totoo” sambit ko at napatingin sa phone ko na tumutunog na ngayon.  Tumatawag si Donny, nagpaalam naman ako kay Vitto na sagutin muna ang call kaya tumango naman siya

  “Problema?” tanong ko.

  “Kelan ka uuwi? Tagal pa ba yan? I miss you na shar"

  “Donny halos ilang oras palang ako nandito, tsaka uuwi din naman ako”

  “Gusto kita makita.  Can i go there? Please babe. ”

  “Donny malapit na maggabi tsaka isa pa delikado bumyahe, wag na makulit Don Donny ha? ”

  “Fine. Pero itext mo ko kung pauwi kana kase kahit delikado pa sa daan susunduin talaga kita kahit ayaw mo pa”

  Napangiti naman ako. Bwisit.

  “Okay. Love you” sambit ko

  Wait.. Anong sabi mo?”

  “Wala. ”

  “Repeat it”

  “Wala nga sabi” sambit ko

  “Shar narinig ko shar. ”

  “Dinig mo naman pala bat ipapaulit pa?”

“Para sigurado”

  “Fine. I love you”

  “Ayieeeee iloveyou too ma'am shar. Sunduin kita mamaya ha? Wait mo ko”

  Pinatay ko na ang tawag dahil biglang dumating si Direk at pinalapit na ko sakanya.  Mukhang may pag uusapan nanaman kami

  “Nagtrend tayo kanina. I'm so happy lang kase super saya lang na naappreciate nila lahat.  Yung warm welcomes! Tsaka isa pa.. ”

  “Direk yung ship ni Donny at Kisses medyo patok” sambit nung isang babae na naipasok din ni Direk kanina para gumanap na kaibigan ko sa scene

  “Yes. Ayun nga e! Ipupush ko na yun. ”

  Napatingin naman sakin si Vitto tsaka tinaasan ako ng kilay.
Ipupush lang naman eh, para na din sa fans.

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon