Unseenzoned: 7

1K 39 0
                                    

SHARLENE:

  "hi shar, so kamusta yung booth?" tanong ni sunny kasama si miles.

  Napasingkit nalang ang mata ko at dinedma sila, inayos ko ang sintas ng sapatos ko at lumakad na papunta ng room

  Pagpasok ko ng room ay umupo agad ako, sumunod naman sila Miles at Sunny sakin na ngayon ay malalaki pa din ang ngiti at mukhang hinihintay na sabihin ko ang words na...

  "C'mon Shar,  tell us na maganda yung booth at masaya kausap si... "

  Biglang tinakpan ni Miles ang bibig ni sunny at napa ssh pa ito

  "Bawal sabihin kung sino si stranger diba! Ano ba sunny! Umayos ka nga" sita ni Miles

  Lalo akong nainis dahil sakanila.
Bwiset. Ang dami nilang alam.
Si Sunny president ng school pero puro kaechosan lang ang gustong gawin, gustong makatulong sa school pero puro kacornyhan lang naman ang ginagawa. Hindi naman intrams pero may pa-booth.
Eto namang si Miles, Vice President pero parang katulad lang ni Sunny takte.

  "So mabalik tayo shar.... Hmm maganda ba plano ko?  Masaya ba? Nag enjoy ka?"

  "Sunny ang ganda.." sambit ko

  "Omg sabi na nga ba e!  Sabi na nga ba mag eenjoy ka.  Hindi ako nagkamali na --"

  "Sunny ang ganda! Ang ganda ng mukha mo, nagtitimpi lang talaga ako na masapok ka e.  Pasalamat ka ha maganda ka,  kung hindi baka kanina pa kita nasapok"sambit ko

  "Shar ano baaa!!" parang bata na sabi nya

  "Hindi maganda! Hindi masaya! Sunny pwede ba,  ano bang naiisip mong gawin ha? Oo sa iba papatok pero sakin.. hindi,  wag nyo na ulitin na ipakausap ako kahit kanino,  kahit sa sikat pa yan, basta ayoko a-yo-ko"

  "Kahit kay Arturo Daza?" sabat na sabi ni Miles

Agad akong napatahimik.
Hindi ko pa din pala kaya na madinig ulit ang pangalan nya.
First love, first love never dies.
Pero sa iba yun. Sa part ko gustong gusto ko na siya kalimutan.  Gusto ko basagin ang mukha nya,  gusto ko na sirain sila ng bago nya,  gusto ko ipamukha sakanya na kaya ko kahit wala siya.

  "Oh bat napatahimik ka?" tanong ni Sunny

  Napaiba ako ng tingin at napatahimik nalang.

  "Shar we know hindi ka pa okay,  ginawa namin yung kanina kasi gusto namin na maging maayos ka.  makakilala ka ng ibang tao, yung ibang lalaki. ayoko makulong ka sa past na kung saan hanggang kay Turs ka lang.  Shar alam ko mahirap kasi hanggang ngayon naiisip mo pa yun, sa labas nagiging matapang ka, iniiba mo yung dating ikaw. Pinipilit mong maging matapang pero deep inside isang tulak lang sayo matutumba kana. Hindi ikaw yan Shar, Please wag mo ipakita na hanggang kay Turs ka lang, wag mo baguhin sarili mo dahil lang sa ginago ka. " sambit ni Miles.

  "Dahil kung pipilitin mong ayawan ang lahat ng tao na pwedeng pumasok sa buhay mo,  wala kana. Hindi ka na magiging masaya. That is not Sharlene Santos San Pedro that i've met a years ago. Shar hindi na ikaw 'yan.  Piliin mong maging masaya" sambit naman ni Sunny

  Napatingin ako sakanilang dalawa at niyakap sila.
Hindi ko alam,  manhid na ata ko kasi kahit pa anong sabihin sakin di tumatalab, hindi na ko umiiyak. Nasanay na siguro ako na ganto.

 

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon