Unseenzoned: 5

1.2K 39 3
                                    

DONNY:

"goodluck bro!! hihihihi" sambit ni Iñigo habang pinipiringan pa ko

Takte pwede naman makipag usap lang kahit walang ganto e, bat kailangan pa! Tatalian pa kamay ko pak.

"Tara Ñigs. Okay na siguro si Donny dito" sambit naman ni Ricci at pinaupo pa ko sa di ko alam.

Bwisit. Paano mag open ng conversation?
What if bakla pala to. Hanep.

"Buong araw kayo dito ha, goodluck sana maging close kayo. Start na!" sambit nung babae at halata pa sa boses nya na natutuwa siya.

Bullsht bat pa kaya ginawa tong booth na'to. Ano para wala lang? Para makipag usap sa di mo kilala tapos ano. doon na matatapos lahat?

"tae malilintikan talaga sakin sila sunny!!!!!! Argh paker,"

Tae. Ang maton ng boses.
Yung boses parang ang yabang.
Pusang --

"Hoy ikaw, alam ko may tao na sa gilid ko. May pera ka ba? Alam ko napagtripan ka lang din. Kung may pera ka please magbayad ka nalang, alam ko naman na napilitan ka lang din katulad ko" sambit nya.

Napakapa ako sa bulsa ko at naalalang nakay ricci ang wallet ko. =__=

"What if.. Di ako napilitan" sambit ko.

Kesa walang topic. Mang aasar nalang ako, badtrip.

"Malandi ka sigurong lalaki no?! Please magbayad ka nalang. Wala akong oras para dito. Nakakatamad kaya! Napakacorny ng ganto" sambit nya pa.

Iba talaga ang boses nya. Ano kayang itsura nito? =__= baka maton din katulad nung boses nya.

"Hindi ako malandi. Kahit pa sabihin mo na magbayad ako, wala akong magagawa kasi nasa kaibigan ko yung wallet ko. Wala kang magagawa kundi umupo lang at makipag usap sakin buong araw" bored na sabi ko at sumandal nalang sa pader.

"Bat ba kasi pumayag ka na dalhin ka ng kaibigan mo dito? Kung di ka pumayag edi sana wala akong kausap ngayon, edi sana di na ko sumabak sa booth na'to. Mas masaya pa magbilliards, magbasketball o volleyball e kesa sa kacorny-han na'to"

"Tss. Pumayag ako kase... gusto ko na makakilala nga ng iba. Gusto ko na kalimutan si kisses!!!" iritang sabi ko.

Si Kisses yung ex ko. 4yrs halos pero wala e. Nawala bigla. Baka nahirapan din siyang itanggi ako sa parents nya kada araw

"Pake ko ba. Tae gusto ko na lumabas dito" sambit nya

Nakakainis talaga. Sabi na nga ba di magwowork to e. Lintek ano bang klaseng babae to?! =____=

Unseenzoned by JhiabananaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon